hindi sa hangin
hindi panalangin
sa unang tingin
ay bulong lang din
tumingin sa bituin
tumingala kay bathala
humihingi ng tsansa
sumisilip baka may pag asa
kasabay ng pagpikit ng aking mata
ay ang pagmulat ng aking isipan
parang ang liwanag ng lahat
pagkat imahe mo ang nakikita
simpleng hiling sanay dingin
kung bulalakaw ay kelangan hulihin?
ito ay aking gagawin
matupad lamang ang aking hiling
Kahit pa hindi ka magiging akin.