Sa bawat pait at sakit na dulot nang iyong bawat bakit.

Sa bawat pait at sakit nang iyong bawat “bakit?”… 

Sa Kanya ka lumapit at kumapit…

Marahil nga sa iyong isipan ay di mapigilan at paulit ulit tumatakbo ang katanungang..

B a k i t?

Marahil narito ay isa sa mga nabanggit mong bakit:

Bakit nga ba? Bakit ginawa? Bakit nagawa? Bakit hinayaan? Bakit nawala? Bakit hindi naging sapat? Bakit namatayan? Bakit ako’y nagkasakit? Bakit pinabayaan? Bakit iniwan? Bakit nasaktan? at sa lahat nang bakit… Bakit ako pa? Bakit sakin pa? Bakit nangyari pa?

Marahil isa ka sa naghihintay nang sagot sa iyong mga katanungan para tuluyan makamit ang iyong kagalingan at kalayaan. Dahil tila ang iyong isipan ay nakulong na sa paulit ulit na bulong, paulit ulit na pait nang bawat bakit at paulit ulit na sakit na dulot nang bawat iyong bakit.

Bakit? Ano nga bang rason? Dahil diba sa bawat desisyon dapat may nakaakibat na rason?

Naalala ko noong mga panahong dumating sa punto na sa katatanong ko nang bakit, diko namalayan na nagdulot na pala ito nang pait at sakit.

” LORD BAKIT PO?” paulit ulit na katanungan habang patuloy na kumikirot ang aking puso.

Lord bakit po sakin nangyari ang mga ito? Bakit sa lahat nang tao sa buong mundo bakit ako papo?

I was raped, taken advantage of, lost a loved one, lost a friend, broken family, became sick and many more. And they have no idea how much strength it took to even continue.

Ngunit sa lahat nang mga nangyari, it made me the woman I am today.

Proverbs 16:4

4 The Lord has made everything for its purpose.

But sometimes things happened not because of God but because of our wrong decisions. Everytime we do things outside God’s will. God’s will (ibig sabihin nang “will” ay ang “gusto” nang Diyos) for us is good,pleasing and perfect. It is not God’s will to harm us. Sometimes we are in this painful situations because of our own decisions or other’s decisions that is not align in God’s will.

But the good news is that God can turn our mistakes into masterpiece and our mess into a message.

Or maybe you are actually asking about the things that is not your fault. Pero baka kaya nawala ang friendship na yan, or namatayan ka man and etc. Maybe because that person’s mission and purpose in your life is finished already. For there are people na andyan lang for a reason and a season. Gawin mo nalang silang inspirasyon na magpatuloy.

One thing about God is He will not waste your pain.

Psalms 56:8 MSG, NCV

8 You’ve kept track of my toss and turn through the sleepless nights, Each tear entered in your ledger, each ache written in your book. 

8 You have recorded my troubles. You have kept a list of my tears.

Yes dear. Nakikita Niya at itinatabi’t inililista Niya ang bawat patak at rason nang iyong mga luha. Mahalaga ka sa Kanya.

Kaya tungkol dito ang aking mga isinulat dahil napansin kong maraming tao, kristyano na naging struggle ang kanilang mga “bakit”. At nakakalungkot na ang mga “bakit” na ito ang nagdala sa kanila sa pait, sakit, pagdududa at kawalan nang pananampalataya.

Ngunit ngayon na nabasa mo ito. Dalangin kong palayain mona ang sarili mo sa bawat mong bakit.

Romans 8:28 And we know that in all things God works for the good of those who love him, who have been called according to his purpose.

In the symphony of “whys”, a ceaseless quest and a journey through wonder at our behest. In the garden of “why” where doubts may grow, I hope you choose your faith’s blossoms its vibrant show.

Sa bawat pait at sakit na dulot nang “bakit”. Sa Kanya ka lumapit at kumapit.

Exit mobile version