Sa isang madilim na gabi, ako'y napatingala sa mga tala Ikaw ang makinang na bituin, ako naman ang gabing madilim Sapagka't buhay ko'y lumiwanag nang pag-ibig mo sa aki'y inihayag Habang ako'y nakatayo, umihip ang hanging labis ang lamig Aking naalala ang init ng yakap ng iyong mga bisig Puso ko'y di napigilang maramdaman ang kilig Sa wakas nakaramdam ng pag-ibig Napansin ko ring ang gabi'y sobrang tahimik Sumagi sa isip nang una tayong magkasama parehas na walang imik Tanging tibok ng puso mo at puso ko ang naririnig Sabay guhit ng ngiti sa iyong marikit na bibig Tulad ng mga bituin, ika'y nagniningning Labis na galak nararamdaman sa iyong piling Nangarap akong hanggang sa pagtanda ay tayo na Katulad ng mga awiting nalikha at nangyayari sa pelikula Subalit isang gabi, habang nakatitig ako sa langit Nawala ang ningning ng mga bituin at kay sakit Tumulo ang luha sa aking pisngi Sabi ng utak ko wala ka na talaga, ngunit ang puso'y pilit na tumatanggi pa Napaluhod, nawalan ng lakas ang mga tuhod Yumuko na lamang ako't humagulgol Tuluyan ng dumilim ang gabi Sa kadahilanang wala ka na sa aking tabi Tumingala akong muli, umaasang makita pa ang iyong mga ngiti Ngunit ang natagpuan ko'y ang sarili kong namamatay sa hapdi Hapdi ng mga sugat na dala ng labis na pagmamahal Pagmamahal na akala ko ako lang ang mahal Dahan dahan kong narinig ang isang marahang tinig Mahal kita, mahal kita anak, halika at humilig Humilig ka sa aking mga bisig Sapagka't ang dala ko'y walang hanggang pag-ibig Ako, ang buwan na di mo nakita Nang mga panahong mga bituin lamang ang iyong nakikita Pinilit mong kumawala sa mga bisig ko para lang yakapin siya Ngunit walang araw na sa paningin ko'y inalis kita Mahal salamat aa lahat ng sakit na dulot mo Na naging daan upang mas makikilala ko pa ang sarili ko Mahal, may nagawa ba akong mali Upang magawa mo ring iwan ako sa huli? Ngunit pinaramdam Niya sa akin ng husto, Na may kasiyahan pa rin sa likod nito Ang kalangitan ay labis na nagdiwang Sapagkat nakalaya na ang puso kong nangangalawang Iginapos mo ako sa akala kong tunay na pagmamahal Ako nama'y ngpatali na parang isang hangal Pero salamat, niligtas mo ako sa malungkot pang mga araw na maaring danasin pa Na kapag mali ay ipinilit Ako rin ang sa sakit ay mamamalipit Salamat sapagkat ngayon palang pinatunayan mong ako'y hindi sapat Na kahit gawin ko ang lahat ika'y pilit paring maghahanap Ngunit isa lamang ang sinisigurado ko sayo Hinding hindi ko ipaparamdam sa iba, ang naramdamang sakit sayo Mahal, salamat. Salamat kahit hindi na ako ang iyong mahal Salamat dahil hinayaan mong mahalin kita kahit hindi nagtagal Salamat at tinuturuan mo ang puso ko na malaman ang tunay na pag-ibig sa hindi totoo Minahal kita pero mas minahal Niya ako Yung Diyos na kahit sinaktan ko sa pagpili ko sayo Ngayon lilimutin ko na ang nakaraan at haharapin ang katotohanan Mali ang ipaglaban ka Mali ang mahalin ka Isa lang ang tama Ang sundin Siya! Hinatid mo lang pala ako sa dulo At sa paghatid mo sakin sa dulo natagpuan ng Diyos ang puso ko Muli Niyang binuo ang wasak na ako Kaya ngayon handa na muling lumaban sa laban ng mundo!