Sa Susunod Na Habang Buhay

Saan ba nababase ang importansya ng isang tao?
Sa mga material na bagay ba?
Oh sa oras at panahon na inilalaan mo para lang mapasaya sya?

Alam mo ba Mahal?
Na sa bawat pag lubog at pag sikat ng araw, unti unti kong naiintindihan ang ibig sabihin ni Bathala nung sinabi niya saakin na mag hintay.

Unti unti kung naiintindihan kung gaano ka importante na mag hilum muna ang mga sugat ng aking puso bago pasukin ang isang relasyon na alam nya na hindi paako handa.

Hindi ko alam kung gaano ka tagal, pero handang handa akong mag hintay..

Hindi ako mangangako, pero ipapakita at ipadarama ko nalang ang lahat ng pagbabago na ginawa para saakin ng Panginoon.

Sana sa pag dating ng panahon na kaya ko na, at may patutuhunan na ang aking buhay at wala ng halong pagdududa sa aking puso at isipan.

Masasabi ko saiyo na ikaw lang.. ikaw lang ang natatanging dalaga na gustong gusto kung piliin sa araw araw,
At dahil saiyo natuto akong pahalagahan lahat ng bagay na nilaan sa atin ng may kapal.

Ilang beses ko na nabangit saiyo, pero totoo na isa ka sa pinaka magandang nangyari sa buhay ko.

Paano mo ba nababase ang importansya ng isang tao?
Sa mga material na bagay ba?
Oh sa oras at panahon na inilalaan mo para lang mapasaya sya?

Hindi..

Malalaman mo lang kung gaano ka importante ang isang tao para saiyo…
Kung hindi mo na sya kayang makita na hindi parte ng buhay mo.

Malalaman mo lang ang importansya ng isang tao, kung kayang kaya mong sabihin sa buong mundo…

Na sya lang ang pipiliin mo…

Hangang sa Susunod na Habang Buhay.

Exit mobile version