Nasasanay na gumising ng walang..
“Magandang umaga”
Lumilipas na ang maghapon ng walang..
“Kumain ka na..” o “Kumain ka na ba?”..
Hindi na naghihintay ng chat na…
“Magdala ka ng payong at baka ka mabasa…”
Wala nang “Papunta na ako..”
“Andito na…” ,”San tayo?”..
“San ka na ba?”
Syempre sanay na rin na walang..
“Nakauwi na ako..”, “Nakauwi ka na ba?” ..
Okay na na walang nangangamusta…
Wala nang “Magpahinga ka na..”
“Matulog nang maaga..”
“Wag magpupuyat at may pasok ka pa..”
Kapag restday hindi na nag-aalala..
At nagmumukmok kasi hindi ka kasama..
Hindi na nila nakikita na pugto ang mga mata..
Na parang ayaw na bumangon sa kama..
Na ang bagal humakbang ng mga paa..
Hindi na madalas napapansin na tulala..
Hindi na nagigising sa madaling araw
dahil napanaginipan ka..
Ilang linggo? .. Ilang buwan na ba?..
Nung sinabi mo na ayaw mo na..
Akala ko talaga hindi ko kaya..
Akala ko katapusan ko na..
Na hindi na ako makakausad pa..
Pero alam mo, hindi naman pala..
Kita mo naman ngayon oh..
Nakakangiti na, malakas na ulit tumawa..
Pansin ko na ulit ang sikat ng araw sa bintana..
Masarap na ulit ang paborito kong pizza..
Kaya nang tumambay at magsoundtrip mag-isa..
Minsan napapasayaw na sa masayang kanta..
Minsan naiisip pa rin kita, naaalala
Pero itinigil ko nang hilingin na muli ka makasama..
Siguro kasi natatanggap ko na..
Paunti-unti, dahan-dahang nasasanay na..
Sa wakas nasasanay na rin na wala ka…