Sadness turns to Happiness

Salamat sa iyo mahal, salamat sa iyong pagmamahal.
Napakaswerte ko at ika’y aking natagpuan, pangako sa’yo mahal ika’y mamahalin hanggang katapusan.
Ipaparamdam ko sa’yo ang pagmamahal na walang hanggan.

Sa iyong bawat ngiti, tagumapay aking namimithi.
Ikaw ang naging inspirasyon, para ako’y bumangon.
Ang aking madilim na mundo, naging makulay at iyong binago.
Naging bago ang takbo ng buhay ko, at yun ay dahil sa’yo.

Ang dating malungkot na dalaga, ngayon ay naging masaya na.
Hindi ko maipaliwanag ang saya, nang matagpuan kita.
Dahil sa wakas, ang madilim na aking sinapit noon, ngayon ay nagwakas.
Salamat sa’yo, dahil ako’y iyong iniligtas.

Ang pagkalunod ko noon sa kalungkutan, hindi na muling mababalikan.
Ang pagiyak ko gabi gabi, napalitan ng pagtawa muli.
Ikaw ang rason sa bawat pagtahak ko sa mga pagsubok, ngayon ay aking nakakamit na at ako ngayon ay nasa tuktok.
Ikaw ang bayani, ikaw ang aking tagapagtanggol.

By Rizalyn

GOD's Princess💯

Exit mobile version