Salamat, Sa Lamat

  1. Umiiyak kang muli
    Dahil iniwan kang muli
    Dahil nasaktan kang muli
    Dahil umasa kang muli

    Hindi dahil sa tanga ka
    Tipong sinasabi nilang gusto mo ulit na masaktan ka

    Hindi ba pwedeng matapang ka lang
    Yung tipong sumubok ka lang
    Sa dami ng nagdaan namanhid ka na lang
    Yung takot ay parang wala na lang

    Kapalit ng panandaliang saya
    Ang matagal na sakit na madarama
    Sandali ka lang pala mananatili
    Kauting oras lang pala sa iyong piling
    Pinahiram sa kaunting sandali
    Tapos ang tadhana biglang bumaling

    Nag akala kasi na siya na talaga
    Ang papawi sa pait na nadarama
    Ang bubuo sa matagal ng sira
    Ang kukumpleto sa mga pahina
    Ang kulang na magbibigay saya

    Ayun at bigla siyang nawala
    Tila naglaho na parang isang bula
    Uso kasi kaya tila maraming gumagawa
    Hindi iniisip ang magiging pakiramdam nung tao sa pagkawala

    Sabi nga sa isang kanta
    Pinagtagpo ngunit hindi itinadhana
    Kung ganoon din naman bakit pa kailangan pagtagpuin ang dalawa?
    Sakit lang din naman ang idudulot sa isa

    Uso din naman siguro ang magpaalam
    Di naman siguro mahirap magsabi ng paalam
    Lagyan mo na din ng pasasalamat
    Salamat, sa lamat

Exit mobile version