“SANA”

“SANA”

Gusto sana kitang pag alayan ng tula
Gamit ang mga matatamis na salita
Ng sarili nating wika.

Gusto sana kitang pag alayan ng tula
Ngunit ang papel ko ay nabasa
At ang mga kamay ko’y pasma na

Gusto sana kitang pag alayan ng tula
Kaso, baka ikaw ay mabigla
Mabigla sa mga salitang kusang kumawala

Gusto sana kitang pag alayan ng tula
Ngunit saka nalang pag sigurado ng sayo nakatadhana
Baka kasi magkamali pa si kupido ng mapana.

Gusto sana kitang pag alayan ng tula
Pero tuwing kausap ka, ako’y natutulala
Sa labis na pagkamangha.

Gusto sana kitang pag alayan ng tula
Pero mas masarap sa ngayon ang sa tala ay tumulala
At maghintay sa tugon ni Bathala.

Gusto sana kitang pag alayan ng tula
Para manlang sakin ikaw ay mamangha

Gusto sana kitang pag alayan ng tula
Pero saka na, pag tayong dalawa ay magkasamang nakatayo na sa harap ng dambana.

— Katty B.

Published
Categorized as Waiting

By Bela

Almost a writer. I write what I can't tell. I'm an artist, I draw through my words.

Exit mobile version