SANA

Salitang binubuo ng apat na letra, apat na letrang minsan ng nakasakit at nakapag-patatag sayo.

Sana, salitang madalas na sa iyo’y mabatid.
Sana, salitang kung iyong iisipin ay dalawa ang minumukha.
Sana, salitang ang kahulugan ay walang kasiguraduhan.
Sana, salitang kapatid ng panghihinayang at pag-asa.

Sa mundong ito alam ko at alam mo na hindi sasapat kailanman ang mga bagay at taong mayroon ka. Dahil ang tao ay puno ng pagnanais na makamit ang mga bagay o tao na sa tingin niya’y makakapag-pasaya at bubuo sakanya. Na “sana” ang lahat ng ito ay mayroon ako.

Dumating ka na rin sa punto na ika’y nalito kung tama pa ba ang salitang “sana” sa buhay mo. Na kung ginalingan ko lang “sana” ay nakamit ko iyon. Kung nag tiwala lang ako sa sarili ko “sana” nagawa ko ang mga bagay na iyon. Kaya ngayon ay nahihirapan kang alamin ang tunay na mukha ng salitang “sana” dahil hindi mo na alam kung kanino ka ba dapat magtiwala.

Isipin mong naninirahan ka ngayon sa isang lugar na ang lahat ng bagay ay walang kasiguraduhan. At hindi mo alam kung kaya mo pa ba o susuko ka na lang dahil batid mo na ikaw ay isa lamang limitadong nilalang na umaasa sa kahulugan ng makamundong “sana”.

Minsan ka na ring nanghinayang at napuno ng pag-asa ng dahil sa salitang “sana”.

Panghihinayang, na sana ako na lang, ako na lang ulit salitang nasambit nung mga panahong akala mo ay iniwan ka na ng mundo at ng mga taong nagmamahal sa iyo.
Pag-asa, na sana ay may taong tumulong sa iyo na ika’y pulutin sa kinasasadlakang putik, mag bangon at umakay upang maipag-patuloy ang hindi mo pa tapos na laban ng buhay.

Lagi mong tandaan na ang “sana” ay tinumbasan ng “SIYA” na ngayon ay naghihintay na “sana” ay mapansin at pagkatiwalaan mo.

Exit mobile version