Sana………

Minsan may mga pagkakataon sa buhay natin na puro sana. Yung mga bagay na lagi natin hinihiling.

Pero sapat ba ang isang sana lang para magbago ang lahat?

Paano kung ayaw na at gusto na bumitaw? Aasa ka na lang ba sa puro “Sana siya na lang.” o pupunta ka rin ba sa “Sana di ko na lang siya nakilala.”.

 Mananatili ka pa ba sa isang pagmamahal kung pareho niyo na sinasaktan ang isa’t=isa?

Minsan alam naman natin ang sagot sa tanong na yan. Sadyang iniiwasan lang natin kasi akala natin di tayo masasaktan, pero ang totoo e mas lalo lang natin sinasaktan sarili natin kasi umaasa pa tayo na baka magbago o baka matauhan. Ang ending ikaw pa din ang talunan. Ikaw pa din ang naubos. Ikaw pa din ang mas nasaktan.

Pero kung iisipin mo, hindi naman ikaw ang nawalan e. Nagmahal ka lang naman sa maling tao. Ayos lang naman yun kung tutuusin. Ang mahalaga naman may natutunan ka.

Ano nga ba ang mga natutunan mo sa relasyon niyo? Ilista mo sa papel. Hindi mo rin kailangan baguhin ang sarili mo para sa iba. Ang kailangan mo lang ay ipahinga ang sarili mo at maenjoy ang mga bagay na gusto mo gawin na hindi mo nagawa nung kayo pa.

At kapag dumating na yung tamang tao para sayo, handa ka na sa lahat kasi buo ka na ulit. Buo ka na kasi pinili mo ang sarili mo para sayo at hindi para sa iba.

By cramephaula

Introvert. Loves to tell stories about life and heartaches.

Exit mobile version