Heto ako, nalilito May mga tanong na nais malaman Ngunit, hanggang ngayon wala pa ring sagot Tingnan man kita sa iyong mga mata Ang mga bakit, paano, kailan, saan, at sino ay Mananatiling tanong pa rin sa akin Heto nanaman ako, hindi mapakali Hindi rin alam ang gagawin Pilit nilalabanan ang mga emosyong patuloy lumalabas Dahil kahit anong pilit, aking nararamdaman Mananatili na lamang sa akin Heto nanaman ako, patuloy lumalaban para sa'yo Hindi maiwasang mahulog, Kahit na alam kong walang sasalo Palagi na lamang bang ganito? Kikiligin, mahuhulog, at masasaktan Babangon, Kikiligin, mahuhulog, masasaktan At habang nasasaktan, iiyak dito, iiyak doon Iiyak hanggang sa mapagod At sa tuwing ako'y nahuhulog, Lumalaban ako kahit na alam kong walang tayo Heto nanaman ako, tinatanong pa din ang mga tanong Panandaliang kilig at saya na lamang ba ang laging mararamdaman? Hindi na ba mararanasan ang sayang inaasam? May lumalaban din kaya para sa akin na katulad ng paglaban ko para sa kanya? Mayroon pa bang naghihintay na makikinig sa bawat salitang sasambitin? At may mananatili pa kaya hanggang sa huli?