Sana Pwede Pa

                     Sana. Kung dadating man ang pagkakataon na bumalik tayo sa noon. Bawat oras na ginugol natin sa isa’t isa nung tayo pa. Bawat saya na walang humpay nung kasama kita. Naalala mo pa ba? kung panu tayo nag umpisa? kung paano ka unti unting nagdala ng ngiti sa aking labi. Kung paano mo tiniis lahat ng pagbalewala ko sa bawat sabihin mo nung una. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya nung sabihin ko sa’yo na pareho tayo ng nadarama. Naging tayo. Nagsimula tayong mangarap ng sabay. Nagsumpaan na hanggang sa huli tayo ay magkasama. Araw, buwan at taon ang lumipas tayo parin dalawa. Handa na ako. Handa na akong ihatid ni Ama sa harap ng Altar kung saan naghihintay ka. Pero kaylangan pa natin ng panahon para paghandaan lahat. Nagkalayo tayo pero alam ko na maghihintay ka sa pagbabalik ko dahil buo ang tiwala natin sa isa’t isa.
                     Bumalik ako. Sabik na akong makasama ka ulit ngunit bakit parang nagbabago na. Yung init ng pagmamahal mo ngayo’y mas malamig pa sa bloke ng yelo sa pabrika. Siguro ganun lang talaga sa umpisa lalo at ako’y naging abala. Pero alam ko sa sarili ko na mahal parin natin ang isa’t isa. Ngunit isang beses tinanong mo ako, panu kung may iba ka na? natulala ako at nangiti na lang pero sa totoo lang isip ko noon ay nabablangko na. At pagkakataon na nga ang nagdala sa’kin sa katotohanan. Mayroon pa lang nagpapasaya sa’yo habang ako naman iniisip kita. Masakit malaman yung katotohanan na wala na lahat ng pangarap na binuo natin dalawa. Pero kailangang palayain kita, lalo na at mas kailangan ka niya kahit pa sabihin na ako’y mahal mo pa.

Sana pwede na kung pwede pa.

                Kung muling magkrus ang landas nating dalawa. Kung tadhana na muli ang magdala sa’tin sa isa’t isa , di ko maikakaila na mahal parin kita. Ngunit sana, kung tayo man talagang dalawa wala ng pwedeng maging hadlang pa.

By jeanezee

Silence keeps me...

Exit mobile version