Sana’y tumigil muna ang ikot ng mundo
Nang sarili ay hayaang magmukmok,
Hayaang umiyak at ubusin ang mga luha.
Nakakapagod , nakakapagod, nakakapagod
Gumising na ayaw makabangon;
Bumangon na ayaw makalakad;
Lumakad na ayaw makangiti;
Ngumiti na di naman masaya;
Sumaya na minu-minuto’y naaalala ka
At sa pag-ala-ala ko sayo’y ako’y nangungulila.
Gusto kong magwala at sumigaw
Gusto kong magpahinga at matunaw.
Alam kong sa bawat araw ay kayraming kagaya ko
Gumigising, bumabangon, nabubuhay, ngumingiti
Ngunit ang puso’y umiiyak
Akala ko’y dahil dito’y mahina ako
Bagkus sa pagpiling bumangon araw-araw,
Unti-unting lumalakas,
Unti-unting nagiging bukas,
Unti-unting lumiliwanag.
At puso’y napupuno ng pagmamahal at pasasalamat.
Pero sandali lang…