Ikaw ba ay nabiktima na ng SEEN message or UNREAD message pero online naman sya? Mag-ingat. Dahil sila ang mga taong kunwari busy pero hindi naman talaga..wala lang talaga silang pake sa message mo, in short hindi ito importante sa kanila.Sige, sabihin na nating “busy” nga sila kaya UNREAD yung message mo or SEEN, pero kung friends talaga kayo He or She will make time to respond right? They will not leave you with hanging questions and with unclear thoughts.
Heto ang mga posibleng dahilan kung bakit naka-SEEN or UNREAD ang message mo sa kanila. Take note humingi pa ako ng opinion sa mga kaibigan at kasama ko sa trabaho kaya take time to read. Kumbaga nagpa-survey pa si Mayora. 😊
- SEEN, depende daw sa relationship mo sa tao. Bakit jowables ka ba para magdemand ng response nya? Awts. At teka, depende rin sa content ng message mo Kyah,Teh, Backread ka muna.Hinay hinay nasa “friendship stage” pa lang kayo.
- SEEN, baka nag-message ka lang kasi para kang kabute na susulpot lang kapag may kailangan. User ka friend? ‘wag ganun ha?Kung ako naman minessage mo ng ganun iseen talaga kita 10x. HAHA
- SEEN, siguro tapos na talaga usapan nyo at wala na syang maisip na topic. ‘Wag ka masyado magoverthink Kyah at Teh. Isip din ng ibang topic. Tulad ng bakit bilog ang donut? Bakit hindi square? Yung ganun.
- SEEN, siguro ka-chat nya si EX at nagpapadala na naman sya sa emosyon nya at unti-unti na naman syang nagiging pokmaru.
- SEEN, siguro nawalan na sya ng data or hindi na sya maka-connect sa wifi ng kapit-bahay kasi iba na yung password. Again, ‘wag mag-overthink. Hintay lang baka sa next message mo, seen ulit. HAHAHA
- SEEN, siguro wala na talaga syang maisip na isagot sa mga sinabi mo. Baka naman kasi pang-Math wizard yung tanong mo. Clear your questions bago mag-assume, hindi lahat available at all times.
- SEEN, heto yung pinakamatinding dahilan para sa akin. Hindi ka IMPORTANTE sa kanya.Period.Simple.Pero masakit.Kaya nga He didn’t make time to respond di’ba? Kasi wala lang sa kanya ang message mo.
- UNREAD, siguro kasi marami syang group chat at natabunan na message mo. Ganun lang. In short, hindi pa rin importante yun sa kanya.
- UNREAD,pero online sya. It doesn’t necessary na online nga sya eh nagbabasa sya ng message.Isipin mo baka iniistalk nya ung kras nya tapos chat ka ng chat. Istorbo ka pa. Kaya dinadrag-down nya na lang ung chat heads. Ouch.
- UNREAD,baka it’s not a good starting point for a conversation at hindi nya talaga feel makipagusap sayo.
- UNREAD, baka hindi ka lang worthy ng pagrreply nya at iniignore ka na lang nya. Gwapo at Ganda nya siguro ano?
- UNREAD, baka isa ka sa mga nagpapalaganap ng chain messages like pass this to 5 friends at bukas may bf/gf ka na or yung mga tanong na “OPEN MINDED KA BA BES?” i-UNREAD or SEEN ka talaga kung ganun.
Nevertheless, whatever the reason is. Have respect pa rin sa tao either ikaw yung nagmessage or ikaw ang nagSEEN/UNREAD sa message. Don’t let the enemy destroy a relationship ng dahil lang sa hindi pagkakaintindihan. Just continue to inspire and love people.
Thanks to Bebang, Veiney and Michelle for sharing their thoughts.
God bless everyone!