Ano na ba ang nangyayari sa mundo?
Katanungang masasagot ba ng libro?
O di kaya ng pilosopo?
o sayantipiko?
Ano ba para sayo ang sanlibutan?
Ito ba ay iyong tahanan?
Kasama ang ibat ibang nilalang?
O ito’y isang lugar na dapat ng takasan?
Mga bulaklak na hindi pa man lang lumalago ,
Ay pilit ng binubunot,
Hindi pa man lang sumisibol ay pinapatay na.
Sinasamyo ang bango pagkatapos ay itatapon ito.
Sa bawat paglakbay ng maliliit na paa,
Sa pagdaan ng sasakya’y bakit sila dinadala?
Kinukuha sa piling ng kanilang ina,
Kung makabalik ma’y kulang na.
Gumising ka ikaw na natutulog!
Nararapat bang ipikit pa ang mga mata?
Ang susi ng kinabukasa’y nasan na?
Hindi na binibigyan pa ng halaga.
Ang kauri ay nilalapastangan ng kapwa kauri,
Ni hindi na inaalalayan ang mga mahihina,
Sa halip ay sila pa ang sinisipa,
Inaabuso, nawawalan ng karapatang pantao.
Tao pa nga bang maituturing ang mga gumagawa nito?
Tuluyan na nga bang nalason ang kanilang puso’t kaluluwa?
O ang kanilang pag-ibig at respeto sa bawat isa?
Na syang inalis nila sa iba.
Hindi ito ang iyong tahanang nakagisnan,
Nais mo bang lapastanganin ito ninuman?
Kung oo’y matulog ka na lamang,
kung hindi’y halina’t bumangon at atin nang simulan.