Single father inlove with single mother

It was more than 2 years back when I saw this girl sa office namin, new hire sila at currently on training. Simple siyang pumorma, cute na mataray ang datingan nya. Yes there is something on her that catches my attention. Ang team leader namin ay naasign sa kanilang new hire so nagkaroon kame ng bagong TL at dito na nagsimula ang lahat.

Weeks gone by, sa hindi inaasahang pagkakataon, nalipat ako sa team nila as pangkumpleto sa numbers of head count required. I had the chance to know her, as I investigate, she is a single mother. May isa syang anak na lalake. Mas bata ng 2 taon sa bunso kong anak. Single father ako for 3 years now and counting, single mother din sya for more than 3 years na. Days go by at nakakapag kwentuhan na kame. Masaya siyang kausap, magaan sa pakiramdam, mapagkakatiwalaan siya. Magaan ang loob ko sa kanya, palagay ang loob kong magdaldal ng kung ano ano. Nakuwento ko na din sa kanya ang buhay ko, paano ako naging single father, kung paano ko pinapalaki ng magisa ang 2 kong anak. Yes, nasa akin ang mga anak ko, ako ang nagpapalaki sa kanila, ako nagpapa aral, ako ang gumagabay. Alam na nya lahat ng iyon.

Weeks go by ulit, palagay na loob ko talaga sa kanya. Madalas after ng shift may inuman session. Common na kasi sa work environment namin na magkayayaan ng inuman after a stressful hours ng work. Napapansin ko na hindi na tama tong nararamdaman ko sa kanya. Napapa mahal na ako ng dahan dahan sa kanya. Sinubukan kong labanan, in self denial ako na may gusto ako sa kanya. Kaso, habang lumalaon ang mga araw, palalim ng palalim nararamdaman ko. I made self assessment, crush ko lang ba siya, infauation, or ano ba talaga nararamdaman ko sa kanya. After few months, Umamin ako sa kanya na gusto ko siya at inamin din nya sa akin na tropa lang kaya nyang ibigay. Oo, masakit, nasaktan ako pero masaya na din kasi tropa padin kame after ko umamin. Nadagdgan nga lang uli bilang ng mga tropa ko. Laking pasalamat ko at hindi siya nagbago o umiwas. Minsang nalasing ako sa company event, I was so devastated. Sa kanya ko nabuhos sama ng loob ko sa mundo, mga problema ko na wala siyang kinalaman. I messed up big time. Ilang buwan din kameng hindi nagkwentuhan, walang pansinan. Lumayo ako sa kanila dahil nahihiya ako sa nagawa ko. Then came to a point na I have to correct everything. Nagpasorry ako sa team mates ko at syempre sa kanya.

Lumipas ang mga araw at buwan, Lalo lang ako nahirapan sa nararamdaman ko para sa kanya. Team mates pa din kame hanggang sa mga sandaling ito, magka message sa messenger, minsan sa iMessage, minsan confrence call. Mag 2 months ng hindi kame nagkikita personally due to ECQ. I know what it takes, gaano kahirap maging single parent. Alam ko ang struggle na haharapin mo ng magisa ang pagpapalaki sa anak. Mas lubusan ko siyang nakilala. Mga toyo nya, mga kalokohan nya sa buhay. Ang pagiging makulit na mataray nya, ang simple, full of struggle nyang pinagdadaanan araw araw, paano nya ihandle ang problema. Sigurado na talaga ako na hindi ako sa looks nya nagkagusto. Astig sya, matatag na malambot. Typical na karakter ng pagiging isang ina at pagiging babae. Alam nya na hanggang ngayon, as years passby alam nya gaano ko siya kamahal. Alam nya kung ano ang parte nya sa buhay ko. Gusto ko siyang alagaan kasabay ng anak nya at ng mga sarili kong dalawang anak. Gusto kong protektahan sila sa lahat ng makakapanakit sa kanila. Gusto ko isigaw sa mundo na mahal na mahal ko siya. Gusto ko siyang yakapin at alisin ang pangamba sa puso nya. Gusto ko siyang tulungang maging matagumpay, maging mas maayos, gusto ko syang makita na makamit nya goals nya. Gusto ko ipadama gaano ko siya kamahal. Pero paano? Paano ko gagawin lahat ng ito? Tropa lang tingin nya sa akin. Wala ako K to go beyond that.

Sana maramdaman mo pa din na mahal na mahal kita. Tanggap kita, ang anak mo, ang pagkatao mo.
Salamat sa mga toyo mo at kalokohan sa buhay.
Salamat, nagkakilala tayo.
Salamat sa tiwala, oras at pasensya.
Salamat naging totoo ka.
Salamat tol.

Hayaan mo na lang na mahalin at alagaan kita sa paraang alam ko, bilang tropa.
Dasal ka araw araw. Keep smiling. Everything will be alright. Tiwala sa Diyos tol.

Exit mobile version