Someone please save me..

Nakakalungkot din mag isa. Nakakalungkot din minsan na umasang baka may right one. Ah baka nga masyado na ko maswerte sa pamilya ko. Im still lucky i have my parents and my younger siblings. Nakakapagod na din umasa na baka dumating o sya na. Baka deserve ko talaga maging isa. Baka eto talaga ung nkalaan sakin. Eto ung gusto ni Lord. Wala lang. Minsan malungkot talaga ako. Malungkot kasi feeling ko baka bawal ako maging masaya. Bawal akong maging masaya at pasayahin ng ibang tao. Di ko alam kung dapat ko ba sabihin to. Pero nakakapagod din pala na umasang may dadating. Shit 28 palang ako pero kingina makaemote ako kala mo nasa trenta na ang edad. Simple lang naman ung gusto ko sa buhay eh. Ung maramadaman ung tunay na pagmamahal kagaya ng sa Mama at Papa. Ung sa kabila ng lahat ng pagsubok di sila naghihiwalay. Baka di pa sapat ung lahat ng heartbreaks na nararanasan ko. Baka di pa sapat ung pagiging isa ko. Nakapapagod na umasa. Di ko alam kung lungkot lang ba to o pressure. Baka nga malungkot lang talaga ako. Baka kailangan ko lang mapag isa. Mas mahalin pa sarili ko. Masyado ko na nga mahal sarili ko. Sa sobrang pagmamahal ko nakalimutan ko ng magtiwala sa iba. MAGTIWALA KAY LORD na may nakalaan para sakin na itinakda nya. Sorry pagod na ko talaga. Pagod na kong umasa pa. Nakakatakot maging masaya. Dahil pagkatapos ng kasiyahan, eh ung sakit na eto na naman. Pinaasa na naman ako ng putanginang pagibig na yan. Pinaasa na naman ako na i deserved to be loved. Pinaasa na naman ako na someone cares for me and will do anything for me. Pinaasa na naman ako na uy i will catch all the stars for you…. nakakatakot na talaga. Nakakatakot magmahal. Sana pag nabasa ko to sa susunod na ioopen ko to. I hope i found the one. THE ONE that God’s choose for me. At sasabihin ko na i become a better person while waiting for him. Its been a year, and after a year, again eto na naman ako. Sasabihin sa myday ko na can someone please save me. Bakit di man lang ako natuto. Sana nga may sumalo sakin. Someone please save me from this dying pain. This hurts so much…. sana sa susunod na magsusulat ako happiness naman. Happiness because everybody deserves to be happy.

Exit mobile version