Still praying for you at 30

Today is the day na pinublic ni Alex yung wedding nila ni Mikee. Sobrang simple ng wedding and sobrang intimate. How I wish new normal of weddings are just like that. Yung tipong if gusto na ng couple to get married, di nila poproblemahin yung gastos sa wedding, lahat na lang focus sa marriage life.. Ganda ng kasal nila and sobrang kinilig ako.. Wala lang sobrang nagstick lang din sakin yung sinabi ni Alex.

“Sa lahat ng mga nanonood nito na hopeless na or naghahanap ng the one nila, alam niyo kumapit lang kayo kasi there was a time in my life na akala ko ‘yung mga request ko kay Lord ay ‘di na ibibigay ni Lord. But you just have to wait for God’s perfect time. Ibibigay niya talaga kung ano ang nirequest mo. ”

Bigla ko lang narealize, am I requesting for someone na makakasama ko habang buhay? Am I expectant na may ibibigay pa sakin si Lord na talagang mamahalin ako and matatanggap kung ano ang past ko. Does God wants me to fulfill a marriage life? Ang dami ko biglang tanong pero am I really praying for it? Bigla kong naisip na hindi pala. Nag-aantay ako sa “The One” pero wala nman pala akong pinagdadasal. And tonight I am whole heartedly praying for someone – for that one person na alam kong ibibigay sakin ni Lord sa takdang panahon.

I pray for someone na kaya maglead sa relationship namin. Yung logical magisip, matalino and wise on decision making. Though, sanay ako na ako nasusunod because I used to be independent. I pray for someone na ipafollow ko and irerespect ko as a leader. I pray for someone na confident na makakaya niya gawin lahat. I pray for someone na hindi takot mag try and di basta basta sumusuko.

I pray for someone na stable financially. Yung same kami may maayos na work, or kung unemployed man siya, may business siya, may insurance, may investments and sana may assets. I pray for someone na marunong maghandle ng pera. Yung marunong mag budget and business minded. Yung isusupport ako kasi gusto ko ng multiple source of income. Yung generous and willing to share what he has lalo na sa family niya. I pray for someone na talagang isasapuso na siya ang magiging main provider ng family.

I pray for someone na family oriented. Naniniwala ako na kung ano treatment nya sa parents and siblings niya, yun din magiging treatment nya sa future family niya. I pray for someone who adores and honors his parents. Yung tipong gagawin niya lahat para sa pamilya niya. Yung close sa mga kapatid niya..I pray for someone na tatanggapin status ng family ko – na laki kami sa hirap at di kami lumaking umaasa sa iba, that my parents have a lot of sacrifices makapagaral lang kami at kumain each day, na ung bahay namin until ngayon di pa din mapaayos.

I pray for someone na proud sakin. Yung proud sya sa profession ko, proud siya na ako ang girlfriend niya. Di niya man lagi ipost sa social media but if I’m in front of his family, friends, colleagues, he’ll introduce me as someone na special skanya. I pray for someone na naniniwala and may tiwala sa kakayahan ko.

I pray for someone na willing sakyan lahat ng trip ko sa buhay – pagkain, movies, travels, adventures, name it.. I pray for someone who strives hard to include my world in his. I pray for someone na okay lang kung tumawa ako nang tumawa coz I love to laugh loud. I pray for someone na tatanggapin na di ako mahilig sa horror at iyakin ako pag drama yung show. Yung makakajamming ko sa wine night. Yung magkakaroon ng interest to run or jog or bike kasi yun yung hilig ko.

I pray for someone na matangkad, matangos ilong, mabango and malinis sa katawan. Plus points na if gwapo talaga at may abs. Waaah jackpot naman ako nun Lord. 😅 I pray for someone na inaalagaan sarili niya and always makes time to improve himself. I pray for someone na mahal ang sarili niya, yung may tiwala at bilib sa kakayahan niya.

I pray for someone na marunong magluto kasi di ako masyadong mahilig magluto. I pray for someone na marunong sa bahay and kaya mga chores kahit wala ako. I pray for someone na kaya mag alaga ng bata and willing to be taong bahay.

I pray for someone na sobrang positive ng tingin sa buhay. Yung kahit sobrang down na, sobrang optimistic pa din that all things will be alright. I pray for someone na palangiti at mahahawa ako sa pagiging masayahin nya.

Of course eto Lord sobrang non negotiable. I pray for someone na mas mahal Ka kaysa sakin. I pray for someone na ireremind ako lagi to cling on my faith on You. Yung pag sobrang down ako, ipapaalala nya sakin on how much You love me. Yung di ako susukuan, bagkos iaangat ako kasi alam niya na hindi Mo kami papabayaan.

Pero ayun wish at prayer ko lang naman po eh. Lord, bigay mo na please. Hehe. I know nman Lord that you will ready me pag anjan na or malapit na siya. I know na gagawa ka po paraan magmeet lang po kami, or kung nameet ko na siya, gagawa ka po paraan para makapagusap or magconnect kami. Love moves in mysterious ways. Love moves in God’s perfect ways.

Di ko alam bat ako napapangiti habang sinusulat ko to. Super excited ako to witness how You plan the best things for me.

PS: I pray for someone na clear sa intentions nya. Personally gusto ko friend ko na para kilala ko na. Pero kung friend ko na nga sya, knowing na single ako, he should step up while being extra careful with my heart. If di ko naman siya ganun ka close, sana magstep up na siya and he will reach out para makausap and makaclose ako. I pray for someone who is also praying for me na dumating na sa buhay nya. I pray for someone who believes in love pag naiisip Ka niya Lord kasi alam nyang ibibigay Mo ako sakanya.

Lord thank you. I mean despite all my heartbreaks, you still let me believe in love. ❤️

Exit mobile version