Sulat para sa taong hindi pwedeng mahalin

Dito, inaamin ko na gusto kita.
Pero alam kong hindi pwede talaga.

Una, taken kasi ako,
Pangalawa, baka may maglaho.
Pangatlo, kaibigan lang naman ang tingin mo,
Panghuli, ako’y sayo’y may respeto.

Paghanga sayo’y napakatindi,
sa bawat “tara” palaging may “sige”.
Ako lamang ang nakakaramdam ng ganito,
Isip ko’y nagugulo, panigurado.

Pero palagi kong iniisip,
hindi pwede hanggang panaginip.
Minsan sayo’y napapasilip,
Init ng hangin ay umiihip.

Sa bango na iyong buhok,
Masisinghot pati alikabok.
Sa galawang mahin-hin,
Nararamdamang ito, sa Diyos ibibilin.

Gusto kita, pero taken ako,
Gusto kita, kaso baka di mo ‘ko gusto.
Gusto kita, kasi ang ganda mo,
Gusto kita, kasi ang bait mo.

Nakilala ka sa maling panahon,
Kasabay ka pang mag meryenda sa hapon.
Nakilala ka sa maling pagkakataon,
Mga ala-ala mo’y akin nang ibabaon.

Pagkakaibigan ay ibabalik,
Ngunit walang malisya at hindi sabik.
Hanggang kaibigan na lang,
Tuldukan na ito at hangganan ay lagyan.

Paalam sa sabik na pakiramdam,
At sa tsokolateng na nilalanggam.
Paalam sa sulyapang patago,
At sa titigang tila nagtatampo.

Muli, hindi kita pwedeng mahalin,
Mahihirapan ka at ako din.
Sa sulat na ito,
Huwag na sanang malilito.

Sapagkat ako lang ang nakakaramdam nito,
At sa sarili ko, yan ang totoo.
Sayo padin ay nabibighani,
Hanggang dito nalang, ba-bye.

Exit mobile version