Sumabay sa Agos

Sa unang pagtatagpo na tadhana ang bumuo, Na walang kasiguraduhan kung saan nga ba tutungo.
Mga pusong naninimbang kung ano nga ba ang nadarama, sa twing tayong dalawa ay magkasama.
Isip kong naguguluhan kung ano nga ba ang meron sa ating dalawa, mga mata kong mulat sa gabi sa kakaisip kung ito ba’y totoo o ako ay iyong pampalipas oras lamang.
Nagtapat ka ng iyong nadarama para sa akin, na tinanggap ko ng walang pag aalinlangan at pag dadalawang isip.
Masaya tayong dalawa tuwing tayo ay magkapiling na halos na ang mga bagay sa ating paligid ay nawawala sa ating mga isip.
Ngunit sa di lahat ng pagkakataon ang saya sa ating dalawa ay na nanatili, dahil sa mga bagay na alam kong di lamang ako ang laman ng iyong isip.
Lubusan ng nilamon ng lubhang pag-iisip kung ako nga lang ba talaga o tuluyan paring nananatili sayo ang iyong nakaraan na nadarama.
Ang sakit na aking nadarama tuwing pakiramdam ko na ako’y pumapangalawa lamang, ay para isang daang saksak ng punyal saaking dibdib sa sakit na nadarama na pilit kong kinakaya.
Nagbago ng lahat sayo, nagbago na pati ang pakikitungo mo, alam kong may nagbago ngunit lahat ng yon ay ipinag walang bahala ko dahil mas nangingibabaw ang ang pagmamahal ko kesa sa sakit na nararamdaman ng aking puso.
Dumating sa punto na hindi ko na kinaya dahil di ko na matiis lahat ng poot saakin dibdib, tinatanong ang aking isip kung itutuloy paba o puputulin na ang ano mang meron sa atin.
Ngunit ako’y tuluyan ng naging marupok at muling pinaniwalaan ang lahat ng salitang iyong binigkas, at muling nagdesisyon na sumunod sa magiging agos ng relasyon na binuo nating dalawa.
Exit mobile version