Suntok sa Buwan

Ang gustuhin kay suntok sa buwan.
Isang sugal na malabo pa sa kalawakan. 
Pero hayaan mong tumaya pa din ako sa kapalaran.
Sapagkat ang pagkakataon ay minsan lang naman.

Gusto kong sumugal na aminin sayo,
na gusto kita di lang dahil sa ganda mo.
Maaring maakit ang mga matang ito,
pero iba ang sinasabi ng damdamin ko.

Pede mo kong pagtawanan,
Lalo na wag pagkatiwalaan.
Ito naman ay aking maiintidihan.
Akoy mula sa wala na nagbabaka sakali lamang.

Malinis ang aking intensyon sayo.
Maaaring wala ako sa batayan at ideya mo.
Pero hayaan mong patunayan ko ito,
ang maging masaya ka ang tanging intensyon ko.

Gusto kong iguhit sa labi mo,
ang mga ngiting nakikita ko sayo.
May kung anong saya ang nararamdaman ko,
sa tuwing nakikita ko ito.

Maaring hindi ako ang iyong tipo.
Hindi din naman kasi ako gwapo.
Pero ang tanging maipagmamalaki ko lang sayo.
Di ko hahayaan malungkot ka at mawala ang ngiti sa mukha mo.

Gusto kita nang may malinis na intensyon.
Pero tatanggapin ko kung di mo ko bibigyan ng pagkakataon.
Patas ang lahat sa pagibig at panahon.
Ang mahalaga nasabi ko ito sayo at hindi mo ito obligasyon.

Published
Categorized as Poetry

By Valentine John Barreto

Sirang Romantiko. Gym Rat Engineer

Exit mobile version