Susugal ka pa ba?

Sabi nila pag nagmahal ka bawal ang mahina ang loob.
Kailangan daw matapang ka para sumugal.
Ngunit paano ako susugal kung sa umpisa palang pakiramdam ko talo na ako.
Paano ako magmamahal kung alam kong sa huli ika’y lilisan din naman.

 

Maraming beses na akong sumugal at umuwing luhaan.
Maraming beses na akong nagmahal at sa huli’y nasaktan.
Kaya patawad kung ako’y takot ng magmahal.
Patawad kung ang mahalin ako, ika’y mahirapan.

 

Sana sa pagpasok mo sa aking buhay ika’y handa.
Handang tanggapin kung sino at ano talaga ako.
Handang intindihin ang mga bagay na aking mismo’y hindi maunawaan.
At handang manatili upang piliin ang salitang tayo sa araw-araw.

 

At sa pagpasok mo ng tuluyan sa aking buhay, maaari bang humiling kay Bathala.
Na sabihin mong ako lang at wala ng iba.
Nang maramdaman kong walang dapat ipangamba.
At siya ngang tadhana ang magpapasya na ikaw at ako, ay tayo sa dulo.

Published
Categorized as Poetry

By Leddy Lou

One of my addiction is writing, to speak what was left unspoken nor to discover different dimension of life.

Exit mobile version