Susukuan ko na ba sila?

Mahal ko sila

Sobrang mahal ko sila

Sobrang daming nabuong samahan

Sobrang daming tawanan

Kumakain kami ng sabay sabay

Laging kaming nagdadamayan

Yan kaming magkakaibigan

Nagtutulungan kami

Hindi nagiiwanan

Hanggang sa isang araw

Ako’y nagkamali

Nasaktan ko sila ng matindi

May nagawa akong tumatak sa isip

Na hindi mabura, kahit anong gawin

Sobra akong nalungkot

Bakit hindi ako mapatawad?

Lalapit ako, ngunit iiwasan lang

Kakausapin ko, tatango lang

Ramdam kong ayaw nila sa akin

Pero ako ba’y makakabalik pa?

Sa samahang kasama akong bumuo

Sa pakiramdam na sobrang saya

Na hanggang ngayon aking hinahanap 🙁

Sobra akong nalulungkot

Ang bigat ng aking kalooban

Mabigat, hindi dahil galit ako sa kanila

Mabigat dahil mahal ko sila

Ngunit balewala na ako sa kanila

Pero ngayon

Hanggang ngayon

Sasabihin ko sa lahat na hindi ako susuko

Masaktan man ako sa nakikita ko

Hindi man nila ako isama sa mga lakad nila

Balang araw matatanggap ulit nila ako

At sa araw na iyon

Sa araw na mapatawad ako

Iyon ang araw na masasabi kong

Sobrang saya ko

Sabihan man ako ng iba

Pagtawanan sa aking mga pinag gagagawa

Hindi ko kahit kailan maiisip

Ang tanong na “Susukuan ko na ba sila?”

 

Exit mobile version