“Tagu-taguan”

“Tagu-taguan”

Isa dalawa tatlo
Tatakbuhin ang pasilyo patungo sayo
upang ipaalam na ako ay iyo

Apat, lima anim
Liham na sana’y tangayin ng hangin
upang mapansin ang damdamin
At ako’y lingunin

Pito, walo siyam
puso na may agam agam
baka ang pagmamahal ay hindi makamtan ng isang tulad mo na madaming umaasam

Tagu-taguan maliwanag pa sa buwan ang nararamdaman
Pagbilang ng Sampu,
minuto ay tumatakbo, oras ay lumilipas
Hangang saan
Hanggang kailan
Ang Tagu-taguan

✍Claydine Llante
#bwpoetry
#warriorprincess

Exit mobile version