“Takbo”

May kanya kanya tayong
Hugot,
Lungkot,
Gusot,
Mga palusot,
Pero di parin tayo makakalusot.

Napilit nating tinatakbuhan pero di na tayo
Makakatakbo,
Makakatakas,
Pilit man tayong pumiglas,
Gamitin man lahat ng lakas.

Para harapin ang laban sa labas
Pinipilit nating hanggang wakas
Pero eto ka tila di na aabutin ng bukas

Wala ka ng lakas
Di muna ata maabot ang bukas
Ang wakas

Pagod ka na ba?
Kaya pa ba?
Laban pa,
Laban pa.

Mahinang tinig mo
Ang narinig ko sa mga labi mo
Di kita makita
Nararamdaman at Naririnig lang kita

Ikaw ba yung sinasabi nilang Diyos?

Napagpasok mo sa madilim na iskinita
Doon di kita makita

Pero alam ko kasama kita
Sa paglabas at liwanag ang huling nakita

Oo, ang pag asa
Mga pagpapala ang siyang natatamasa

Salamat, dahil binigyan mo ng kulay
Ang buhay ang tangi kong alay

Sayo ko igugugol ang lahat saakin
Dahil sayo naman lahat nanggaling

Salamat dahil ako ay iyong pinagaling
Hindi ko na muling ibabaling

Ang paningin
Sa kahapong
Kung saan ang sugat ay nanggaling

Salamat sa pangako
Dahil sakin ikaw napako

Salamat dahil ikaw ang pangakong
Ipinako,
Na pumako,
Sa sala ko.

-Ang Dayalogo SG

Exit mobile version