Unang araw ay kay tamis..
Kalauna’y bigla ring nagtiis.
Lambinga’y naglahong kay bilis.
Hindi na naubusan ng inis.
Mga bintang ay binabato
para magmukha lamang matino.
Maraming bagay ang isinakripisyo,
mapunan lang ang mga luho.
Inakalang magbabago na
sa ‘di mabilang na pagkakataon.
Pakitang-tao lamang pala.
Sinayang ang haba ng panahon.
Inalis na ang piring sa mga mata,
Tinanggal na rin sa ulo ang kupya.
Hindi na muling magpapalinlang pa
sa mga matatamis na pekeng salita.
Sa nakaraa’y maraming natutunan..
Naging matatag at hindi na marupok.
Laking pasasalamat sa mga kaibigan.
Hindi na muling magmumukmok.