Talo ako

Ako’y nawawala na

Dahil iba’y dumadating na

Nasanay akong araw-araw at gabi-gabing masaya

Dahil kausap ka

Ngunit unti-unting napapansin na

“Uy, nasan ka na?”

Isa

Dalawa

Hanggang sa pangatlong petsa

Wala pa…

 

Hunyo…

Sabado…

Nanlumo.

Ika’y sumuko.

“Please ayoko”

Ulit ulit na banggit ko.

Talo ako.

Ang iba’y nanalo

Ang gulo

Ang gulo gulo.

 

Hinayaan ko na

Baka nga mas matimbang siya

Kita kang masaya

Sige, mukhang wala na talaga…

Kailangan nang umarangkada

At wag nang umasa pa

Na baka meron pa

Dahil wala na nga

Masaya na sa iba…

Bokya.

 

Labis na nasaktan

Dahil ako’y iniwan.

Umalis nang biglaan

Luha’y nasa unan,

Nasaan ka kasiyahan,

Bakit ako pinarurusahan?

Damdamin ay pipigilan

Dahil ang puso’y nagmahal ng lubusan

Di kayang magkaibigan

Ako’y pinaglaruan.

Published
Categorized as Poetry
Exit mobile version