Tagal na natin magkasama, nagsimula sa wala, nagsimula sa hirap. Pero nakaya natin kasi mahal natin isa’t isa. Simpleng pangarap, simple mga gusto, simpleng buhay. Lumipas mga taon, marami na din nagbago at naabot ko naman mga pangarap ko pero naiwan ka. Hindi ka nakalabas sa kahon mo. Habang ako inaabot ko pangarap ko para sa atin, andun ka lang sa kahon mo tinatanaw ako.
Bakit? Bakit di mo sinubukan. Dahil ayaw mo mahirapan? Mas masaya ka bang pinapaanood lang ako na inaabot mga pangarap natin na mag isa? Hindi ko na din mabilang, mga away na muntik umabot sa hiwalayan. Pero hindi ako sumuko. Umaasa na sana marealize mo na dapat tayong dalawa umabot sa mga pangarap natin kahit gaano pa kahirap.
Dumating ang araw napagod na ako. Napagod sa paghihintay sayo. Napagod sa pag intindi at pag unawa. Hindi ko sinasadya, bigla ko nalang naramdaman. Sa tagal ng panahon parang nasanay na ako sa hindi mo pageffort.
Mahal kita at hindi mawawala yun. Pero kailangan ko din mahalin sarili ko, deserve ko din makaramdam ng totoong saya ulit. Hindi ko masabi kung gusto pa ba kitang balikan o kailangan na ba na iwanan na kita, pero hindi ko rin alam kung ano ba dapat.
Para sa sarili ko, kakayanin ko pa ba o tama na?