"Ayoko na. Hindi na ako masaya." Mariing sambit mo kasabay nang pagluha ko noo'y binalot tayo ng lamig at hindi man labis na batid tanging lumabas sa aking bibig mga katagang tanging naipahatid sa pagitan ng mga malungkot kong tinig "Kung d'yan ka masaya... pinapalaya na kita." Pinalaya kitang tuluyan umalis ka't mag-isa akong naiwan pinilit patahanin at pagalingin ang sarili sa sakit nang hindi mo pag pili na manatili ngunit pintua'y iyong muling ibinukas ako 'tong magaling na ngunit ika'y mahal pa hindi nagawang umiwas o mag pumiglas sinalubong ka sa pag-asang pag ibig sana'y maisalba At sa ikalawa, (at sa maraming) pagkakataon ako'y muling nag patanggay sa alon nadaya na naman ng hangin inakala kong iihip patungo sa akin ngunit ang pagbalik mo'y isa lang paalala na noong umalis ka, ikaw lang ang may karapatang maging masaya at malaya habang ako'y mag isa at sayo'y nakatali pa Tama na kung ayaw mo na Tama na kung hindi kana masaya Tama na hindi yung bumabalik ka pa