Umaga na pala. Ang bilis naman ng oras. Di ko namalayan. Maya maya maliwanag na, at ang haring araw ay mangungumusta na. Pero ako heto pa rin at dilat pa. Umaasang baka maawa ka at sa akin ay bumalik na. Ngunit ayan na, pasikat na siya. Wala na ngang tulog at umasa pa na baka dumating ka pa, na baka magbago pa, na baka pwede pa, na baka may kadugtong pa. Pero ayan na, may araw na. At itutulog ko na, kasi alam kong wala na, kaya di na ako aasa pa.