Tampuhin

May mga araw na hindi ka mahagilap,

Andyan ka nga ngunit ‘di man lang nakakusap.

“Mahal kaya talaga ako ng taong ito?”

Sambit sa sarili kong litong lito.

 

Bilang lang ang mga oras na ginugugol sa ating dalawa.

Nagtatampo na ako, pakiusap makinig ka.

Bigyan mo ng pansin ang damdaming nagluluksa.

Nangungulila sa mga panahong konektado tayo’t masaya.

 

Ayokong maging praning sa kakaisip sa iyo,

Hindi lang naman ikaw ang tao dito sa mundo.

Kinaya ko naman noong nag-iisa pa ako,

Bigla nga lang bumigay sa mga pagsuyo mo.

 

Tuluyan na nga bang nawala ang iyong pagsinta?

Kailangan na nating mag-usap, maawa ka.

Nasaan na ang paglalambing noong tayo ay bago pa?

Bakit mo ako sinanay kung mawawala lang din pala.

 

Hindi naman sa sinisisi kita sinta,

Maayos na komunikasyon lang naman ay sapat na.

Baka gusto mo lang talagang minsa’y maging malaya.

Sabihin mo lamang at handa akong umunawa.

 

 

 

Exit mobile version