Nabuhay tayo sa sinaunang panahon
Naang pagmamahal ay naihahatid ng mga letra
Na ang bawat pagtatapat, ay naisasalita ng isang sulat
Na ang pagbigkas ng mga salitang “Mahal kita”
Ay sa pamamagitan ng pagsikat ng araw at paglubog nito
Na ang intensyon ng mga salitang “Gusto kitang makita”
Ay sa pamamagitan ng repleksyon ng buwan sa tubig
Nabuhay tayo sa sinaunang panahon
Na ang mga alitaptap
Ay simbolo ng mga pangako sa hinaharap
Na ang pagpakawala sa isang isdang nakakulong
Ay simbolo ng bawat paglaya
Na ang tulay na kahoy na hinubog na ng mga taon
Ay simbolo ng mahaba-habang lakad sa magkaibang panahon
Nabuhay tayo sa sinaunang panahon
At ang ulan ang may pinaka- malaking bahagi
Sa pagpatak ng ulan tayo nagkakilala
Sa pagtila nito lalo pa kitang nakilala
Ito ang panahon na ang mga sulat ay inihahatid ng kartero
Na ang pagpapahayag ng pagmamahal
Ay inaabot ng tagsibol sa loob ng isang siglo
Nabuhay tayo sa sinaunang panahon
Na ang pag-upo sa lilim ng puno ay hudyat ng kalayaan
Para sa isang sundalo na papunta sa isang giyera
Ito ang panahon na ang pagmamahal ay nabibilang
Sa dami ng niyebe na magkasabay nating tinitingnan
Na ang pagmamahal ay nasusukat
Kung gaano kadami ang ngiti na naihahatid ng pagpikit ng mata
“Nabuhay tayo sa sinaunang panahon
Na ang pagmamahal ko sa’yo ay hindi nabago ng panahon…”