The feeling is not mutual

Akala ko pareho tayo
Pareho ng pangarap
Pareho ng patutunguhan
Pareho ng nararamdaman
Parehong nag-mamahalan
Kaso isang araw
Sabi niya, gusto ko ng bumitaw
Ayaw na kita kausap
Nawala lahat sa isang iglap
Ganon lang kadali
Itapon bawat sandali
Gusto ko magalit sayo
Pero tumulo lang ang luha ko sayo
Akala ko masaya tayo
Oo nga masaya tayo, pero walang tayo
Akala ko mahala ako sayo
Oo, mahalaga ako bilang kaibigan mo
At hindi na hihigit pa doon
Pero hinalikan mo ako
Hinawakan mo kamay ko
Pinaramdam mo na importante ako
Pinasaya mo ako
Ano yun, panaginip lang lahat
Wala manlang ibig sabihin sayo yon?
Kahit kaunti? wala
Kaya ang bilis mo lang kalimutan ang lahat
Kasi wala lang lahat sayo yon
Bugso lang ng damdamin ganon?
Nadala ka lang, kasi malungkot ka
Ganon ba yon?
Nakalimutan ko, sanay ka nga pala
Sanay sa landian lang
Ako naman itong si tanga
Asadong asado sayo
Pasensya na, umasa ako
Akala ko kasi the feeling is mutual.

By Pizza Thoughts

I write to stop my over thinking mind

Exit mobile version