A letter to the one who owns me:
Una sa lahat binabati kita ng magandang araw. Masaya akong paglingkuran ka at masaya din ako dahil araw-araw natutulungan kita upang manatili kang buhay. Ngunit gusto lang kitang tanungin. Masaya ka ba na kasama mo ako? Kasi parang hindi
Nalulungkot din ako dahil minsan akoy iyong napapabayaan. Kaya sumulat nalang ako para malaman mong akoy nagtatampo. Paano ba naman minsan sa kagustuhan mong maging masaya, hala naglaklak ka ng sobra. Sa kagustuhan mong ma satisy yang cravings mo, matataba pa talaga kinain mo. Eto pa talaga, sa kagustuhan mong maging tanga dinamay mo pa ako talaga. Tanong ko lang, kailangan mo ba talaga ang mga yan? Diba kagustuhan lang naman ?
Kapag masaya ka alam mo bang andyan ako? Hindi paman nakikita sa iyong labi ang iyong mga ngiti, tumatawa na ako para sayo. Kapag din nalulungkot ka, andyan din ako. Hindi pa man pumapatak ang mga luha sayong mga mata, umiiyak na ako.
Hindi ako nanunumbat ni hindi ako nagagalit sayo. Pero minsan din ingatan mo na ako. Yun lang ingatan mo lang ako. Wag mo na akong ipamigay sa mga taong hindi ako kayang alagaan at pahalagahan.
Maraming salamat.
Love,
The Puppet Heart