Sabi nila, “Time heals all wounds”. Pero bakit ang daya yata? Bakit parang di applicable sa akin yang quotation? Almost three years na rin kasi, pero bakit parang di naman nagbago yung nararamdaman ko para sa’yo? Nakapaka…
MISERABLE.
I’m five years older than you, kaya ginulat mo ako. Never in my wildest dreams na maiinlove ako sa isang younger guy. At lalong di ko inisip na ikaw pala yung magpapatumba sa “walls” ko. Hindi ako handang ma-in love noon (exactly two years and 7 months ago). Pero nag-joke ang tadhana – that epic Tuesday morning habang dumurugo ang ilong ko at ginagamot mo ako, I realized that I was falling for you.
And I still do.
But you broke my heart.
Akala ko rin kapag nagmahal ka, ok lang na di mag-expect anything from the one you love. Na OK lang na mahalin mo siya, may kapalit man o wala. Basta mahal mo lang. Basta ramdam mo yung kilig kapag nakikita siya o kahit binabanggit lang yung pangalan niya. Basta nandun lang siya sa tabi mo na humihinga, naamoy, tumatawa kasabay mo – kahit pa sa iba nakatingin ang mga mata niya. Malaking HINDI pala.
Pero alam ko kasi kung saan ako naka-lugar kaya akala ko kontrolado ko ang lahat. Na kontrolado ko ang sarili at emosyon ko. Na anytime na gustuhin kong mag-move on, kalimutan ka at burahin ka sa buhay ko, ganun lang kadali. Yung Isang iyakan lang ba (myth lang pala yun). Na alam ko kung hanggang saan lang ako dapat at mabalis akong makaka-atras pabalik sa realidad.
At akala ko rin, OK lang na alam kong mahal mo siya.
Hindi pala totoo. Walang totoo sa lahat ng mga nabanggit.
Kaya natakot na ako nang magsimula na akong magtanong, mag-kwestyon ng mga sitwasyon at maghanap na ng mga sagot sa mga tanong kong dumarami at mag-hangad ng katiting na atensyon mula sayo. Wala ito sa plano ko. Para sa isang OC-ing arkitekto na tulad ko, isa itong malaking failure.
Bumagsak yung pundasyon at tinamaan ako ng biga sa ulo.
Duguan.
Wasak.
Mahirap pala ma-in love. Late bloomer eh. At 33, dapat alam ko na lahat. Dapat stable na ang emosyon ko. Dapat masaya na ako. Dapat di ko na iniiyakan ang mga walang kwentang mga bagay (gaya ng mga FB posts hah!). Ang daming mga “dapat”. Pero binago mo ko sa paraang di ko inaasahan at hindi ako handa.
Ano nang gagawin ko ngayon? Bakit di pa rin ako masaya kahit na sinasabi kong OK na ako? Bakit hindi pa rin kita makausap at matingnan nang hindi ako nasasaktan? Bakit umaasa pa rin ako na one day may mare-realize ka about me… na nandito lang ako na naghihintay sa’yo, kahit na alam kong hindi na dapat.
I miss you. I miss everything about you. Are you happy now?
Naaalala o naiisip mo pa ba ako? Daming tanong di ba. Alam kong walang sasagot kaya mananahimik na lang ako.
Hanggang dito nalang siguro talaga yung “episode” natin. Mahirap man, pipilitin kong maging blanko. Kalimutan ka? Hindi pa siguro agad-agad, pero darating din yon. Sa ngayon, makaka-asa kang this noona still loves you. Sobra pa para sa ating dalawa.