to the boy i loved for 5 years

january 21, 2019.
hindi ko alam kung paano ko to sisimulan pero matagal tagal ko na tong gustong sabihin sayo.. sadyang hindi ko lang talaga masabi-sabi kasi duwag ako. masyado akong duwag, na hanggang umabot ako dito sa puntong ito. limang taon na.. limang taon.
naisip kong isulat to para bakasakaling mawala na rin tong nararamdaman ko para sayo. kasi lahat naman may hangganan. bakasakali lang naman… at tsaka, lahat naman kasi ng bagay nagtatapos. hindi ba? para mailabas ko na rin tong nararamdaman ko para sayo, kasi ang tagal tagal nang nasakin eh, ang tagal ko nang tinatago to, kaya naman sana sa puntong malaman mo na ang lahat, sana makita mo kung gaano katagal kitang ginusto. or should i say, minahal. gustong gusto kong sabihin sayo kung gaano mo laging pinapabilis ang tibok ng puso ko. yung tipong pag magkalapit tayo, parang hindi ako makagalaw. actually, literal talaga na hindi ako nakakagalaw sa pwesto ko. para akong laging naiistatwa tuwing malapit ka sa akin, kasabay na non ang malakas na pagtibok ng puso ko.
una kitang nagustuhan noong grade 7, i know. ang tagal tagal na no? so ayun nga, nahulog agad ako nung sinalba mo ko nung may nang-aasar sakin. hindi ko alam kung natatandaan mo pa yun, pero baka nakalimutan mo na.. at ako lang ang nakakaalala. kasi para sakin, hinding hindi ko makakalimutan ang pagkakataong iyon. ang pagkakataon kung saan una akong nahulog sayo. lumipas ang mga araw na akala ko simpleng natitipuhan lang kita, happy crush kumbaga. pero hindi ko alam na palalim nang palalim na pala akong nahuhulog sayo. alam mo ba nung nagfriend-request ka sakin? grabe ang saya ko nun. siguro mapagkakamalan mo kong baliw kung nakita mo ko nung mga oras na yun. kaso, wala eh. hanggang kilig lang ako. never kong nasabi sayo ang paghanga ko. kasi naman, aaminin ko na. sobrang torpe ako. at ikaw, ewan. manhid ka ata? hindi mo ba napapansin na laging akong ninenervous tuwing nakikita kita, di mo ba napapansin ang mabilisang pag-iwas ko ng tingin tuwing nagtatama ang ating mga mata? kung ako sobrang torpe, ikaw sobrang manhid. well, i cant blame you, parehas lang tayo.
 lumipas ang grade 8 at grade 9. akala ko hindi na kita magugustuhan ulit kasi hindi na tayo magkaklase. pero akala ko lang pala ang lahat ng yun. hindi pa pala dun nagtatapos. nung nabalitaan kong nagkagirlfriend ka na, hindi ko alam kung bakit nasaktan ako, eh wala naman akong karapatang masaktan. nakakainis. kasi sa tuwing nakikita kita, ang dami mong pinagbago. tuwing nagkakataon kita ko na tumangkad ka na sakin, kasi dati medyo matangkad pa ako sayo. mas nahulog ako sayo nung mga panahong yun, pero you already belong to someone else. i know for a fact na hindi dapat ako magseselos. pero… i cant help myself.
grade 10, dito bumalik ang lahat, at dito rin mas lumalim. naging magkaklase ulit tayo, after 2 years. ito yung mga panahon na naramdaman kong baka parehas tayo ng nararamdaman. baka lang naman. i had a strong feeling na hindi lang ako ang nagmamahal. kasi i always catch you looking at me, feelingera na siguro ako, pero wala eh. napansin ko lang talaga. kaso i wasnt able to confirm it. hanggang assumptions lang ako. how funny it is that we rarely talk. tayo yung laging tahimik sa isat isa, when all our other classmates seem to be comfortable with each other. ewan ko, bakit nga ba tayo laging awkward? yung tipong never talaga tayo nag-usap nang hindi acads ang pinag-uusapan. alam mo yun? yung normal na usap. i wish we had the chance to be friends. kahit hanggang dun lang sana, okay na ako. kaso we act like strangers. like classmates, mere acquaintances.
hay, bakit ba kasi ang bait mo? bakit ang talino mo? bakit ikaw pa? bakit sayo pa ako nahulog.. summer vacation after ng grade 10, chinat mo ako. ofcourse, sobra akong nagulat. like what? nung una i thought na baka nawrong send ka lang. pero, kinamusta mo ako eh. ano bang effect ang meron ka at ang lakas lakas mo pagdating sakin? we rarely talk so i asked kung anong meron, pero sabi mo wala lang. then that’s where i thought na baka dare lang na kausapin mo ko. baka naman dare lang yun. kaso i dont know. baka hindi rin.
grade 11, dito talaga ako pinakanasaktan, kasi ang tagal tagal ko nang gustong sabihin sayo na gusto ita, pero hindi ko masabi-sabi. ayan tuloy, naunahan ako. ang galing niyo nga eh, ang tagal niyo na rin. well it’s all my fault for being such a coward. there came so many instances na parang tinadhana tayo, i saw you one time nung bakasyon sa tagaytay, isipin mo ah, ang layo na nun, nakita pa kita. pero i doubt na nakita mo rin ako because as usual, i hid myself during that time. and kahit naman makita mo ako, hindi mo rin naman ako mapapansin. then we became busmates, tapos yung mga kapatid pa natin magkaklase nun. kapareho natin.
there were times din na nakikita kita sa mall, pero siguro nakikita lang kita dahil magkalapit lang village natin. pero what if kung hindi magkalapit village natin? will destiny still pave for our way? i doubt it. mukha kasing niloko lang tayo ng tadhana. or it was just all my illusion. para tayong asymptotes no? we can get closer and closer but never be together. yan ang laging nasa isip ko tuwing math. hays, ang sakit.
what a painful truth. hindi ko na mabilang kung ilang beses kitang iniyakan, ang drama no? pero totoong nasasaktan kasi talaga ako tuwing nakikita ko kayo. tuwing nakikita ko kayong dalawang magkasama.. nang masaya. pinakamatinding iyak ko was during our prom. im sorry, i know i have no rights para magselos at umiyak pero hindi ko lang talaga napigilan sarili ko. sinubukan na kitang kalimutan, pero lagi ka lang talaga nasa puso’t isipan ko. parang tinatak ka sa puso ko eh, at hindi ko maalis-alis yung tatak na yun.
believe me, i tried so many ways para hindi ko na maramdaman pa ang feelings ko para sayo, pero none of those worked. i tried avoiding you pero lagi lang mas lumalala. at the end of the day, i still yearn for your attention.
grade 12, the present. eto na ngayon, gusto ko nang maglet go. kasi i know that if i still keep on holding on, wala ring mangyayari. masasaktan lang ako, paulit ulit nalang akong masasaktan. this would go on forever if i dont let you go, so i will now. even if masakit. because i know that youre already happy with her. dont worry, im saying this all para maliwanagan ka, kasi ive always wanted to tell you this.
ive always wanted to tell you the truth about my feelings, pero naunahan lang talaga ako ng takot. and also, isa pang reason that hindered me to tell you was because i waited.
i waited for you. hinintay kita for 5 years, na bakasakaling ikaw ang mauunang magsasabi sakin ang mga salitang gusto kong marinig at ang mga salitang gusto kong sabihin, pero that moment never happened.
i guess ako lang talaga ang naghintay. im the only one who waited, who stayed. when you walked ahead of me, i thought you’d turn your back, that somehow you’ll tell me the feelings that i have for you is also the same feeling that you have for me.
but you never did. and it’s fine. kasi you taught me so many things. and i realized how selfless ive been.
you taught me what it’s like to love someone. you made me feel what love is. how loving a person feels like. and ive been so selfless that all i think about is always you. you’ve been the first person to make my heart pound crazy, you were my first love, as cheesy as it may sound, but its true.
never pa akong nagconfess, and so sana mawala na to. sana sa oras na mabasa mo to wala na ang lahat ng nararamdaman ko para sayo, because i poured out all my love for you without even leaving any love for myself. siguro ang dahilan kung bakit hindi ako makamove on is because andito pa rin sa akin itong nararamdaman ko.
many opportunities and chances came but i never grabbed not a single one of it para masabi ko ang lahat ng to. kaso pagod na talaga ako. ilang beses ko nang sinabi sa sarili ko na tama na, kaso ayaw makinig ng puso at isipan ko. siguro ngayong patapos na ang high school, magkakaroon na rin ng closure sa mga feelings ko.
i know how much she means to you, and i wish happiness for the both of you. perhaps we’re not really meant for each other. it was just me who imagined we are. pagod na rin akong masaktan, magselos, at magoverthink. nakakapagod na talagang masaktan araw-araw. nakakawalang ganang sa bawat pag gising ko alam kong ako lang naman ang nagmahal sa loob ng limang taon.
im tired of the thought na we can never be together. im tired of the pain and jealousy. im just so tired of loving someone without being loved by that person back. i guess it all ends here now. thank you so much for everything.
this will be the first and last thing im gonna say to you, i love you.
Exit mobile version