To the man that I won’t never have

Unang kita ko pa lang sayo alam kong hindi na magiging normal ang takbo ng buhay ko. Bakit? Kasi alam kong nahulog na ako. Bago ito sa pakiramdam ko kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko noon.

Sa tuwing papasok sa classroom ikaw unang hinahanap ng aking mata. Baliw na nga ata ako sayo noon pero hindi ko pinahalata. Transferee ka kaya kapansinpansin ka, sa gwapo mo ba naman yan? Sinong hindi makakapansin?

Nagkaroon kami ng pagpapanggap, na kunwari ay gusto ka ng aming kaibigan para tigilan na sya nung kaklase natin na may gusto sa kanya. Patagal ng patagal unti unti ng namumuo yung nararamdaman ko para sayo, may ibang nakakaalam kaya kinalaunan ay nalaman mo. Napagtampulan pa ako ng tukso noon, kung dati kasi kahit simpleng bagay lang umiiyak at sumasaya na ako ngunit nung dumating sya sa tuwing umiiyak at sumasaya ako sya na lang palagi ang dahilan.

Naalala ko pa dati, birthday ko noon gustong gusto kong magkaroon ng picture kasama sya kaso nahihiya ako. After 2 days niyaya ako ng nga kaibigan ko na magpa picture sa kanya at pumayag naman sya. Kilig na kilig ako non hanggang sa bahay. Alam ni mama na gusto ko sya, unang dating nya pa lang.

Lahat ng magagandang pangyayari sa akin na kasama sya o kaya ay napapanaginipan ko sya ay lagi kong nilalagay sa notes app ko. Lahat ng stolen pictures nya ay nasa laptop and phone ko kaso nasira silang parehas kaya ayon, but thankful ako kasi hindi nawala yung first picture namin together.

Mahal ko na nga ata sya pero dahil hindi naman ako tulad ng iba na sobrang ganda eh hindi nya ako napansin, kahit kaibigan lang sana. Naging kaibigan nya na halos lahat ng kaklase namin nung nag grade 10 kami maging mga kaibigan ko, dahil don lagi akong nakakaramdam ng insecurities at selos pero syempre walang karapatan kaya tumatahimik na lang. Madaldal akong tao pero sa tuwing nagseselos ako pag may kasama syang mga babae ay napapatahimik ako at tatamlay.

Lumipas ang mga linggo nalaman ko na lang na nililigawan nya na pala yung kaibigan ko. Sobrang nasaktan ako non and at the same time ay naapakan the yung ego ko, pero I act normal kasi sino ba naman ako diba? Hahaha. Pinanatag nung kaibigan ko yung loob ko na wala lang yon, kaibigan nya lang, etc. Naniwala ako, nagtiwala, kasi syempre tuwing broken kunno ako dun sa crush ko eh sya palagi yung nandyan. Minsan pa nga akong nag try magpakalasing o maglaslas pero hindi naman solusyon yon.

Ngayong grade 11 na kami, alam kong sya pa rin. Nakakatawa pero mag 1 year and 7 months ko na syang gusto sa darating na June 28. Gustong gusto ko ng mawala yung feelings ko for him, kasi alam kong mali na, kung dati halos kaya kong ipagsigawan na gusto ko sya at nailalabas ko pa yung hinanakit ko pag nagseselos sa kaibigan ko ngayon hindi na kasi yung kaibigan ko nagkagusto na sa kanya sa ilang buwan nyang panliligaw dito.

Masakit sa part ko na bakit kailangan ikaila’t itago? Pero naalala ko, may binitawan nga pala syang salita kaya hindi masabi ng kaibigan ko ng diretso.

Nakakatawa lang isipin na ang dami kong ni reject para sayo dahil nga mahal kita kahit hindi ako. Madami na ding nagsasabi na stop na ako pero heto ako at ikaw pa rin ang mahal kahit na ilang beses kong sinubukan mag entertain.

Sobrang sakit nung ginawa nyo sa aking dalawa, hindi ako hihiling ng kung ano man para sa inyo. I don’t want to be ruin my friendship with my bestfriend dahil lang sa kanya nagkagusto yung kauna unahang taong ginusto at minahal ko. Sana ingatan nyo yung isa’t isa sa oras na maging official na kayo. Mahal ko kayong dalawa.

One day makakapag move on din ako sayo at tatawanan na lang ang pagpapakatanga ko sayo ng halos 2 taon. Never kong pagsisisihan na minahal kita, atleast ngayon alam ko yung feeling at kung anong dapat kong gawin sa susunod. Sana ngayon hayaan mo muna akong mahalin ka kahit hanggang sa mawala lang yung feelings ko para sayo. Mag iingat ka palagi. First heartbreak ko ‘to at dahil pa sa inyo ng bestfriend ko. Mahal na mahal kita at mamahalin pa rin kita hanggang sa makahanap ako ng right guy in the right timing na mamahalin.

 

Exit mobile version