Trapiko Ng Buhay

Trapiko ng buhay

Isang normal na araw.
Mapayapa ang kalsada.
Lahat ng tao may kanya kanyang galaw.
Isang normal na araw.
Ang bawat isa ay may layuning ginagawa ng may ayos.
Ang trapiko ay dumadaloy ng may kaayusan sa agos.
At heto ka sa gilid.
Nagmamasid masid.
Mukha ka pa ngang tanga na nakangiti ng mag isa
Dahil umaasa ka na darating siya.
Oo darating sya para sunduin ka.
Sunduin ka mula sa kahapong pinanggalingan ninyo.
Isa kang bida sa pelikula na kung saan
Kasama mo sya doon sa may palaruan.
Nagtatawanan habang magkahawak kamay sa may duyan.
Mga ngiting wagas na wagas.
Akala mo wala nang bukas.
Pero bumalik tayo sa kasalukuyan.
Hrapin natin ng sabay ang katotohanan.
Wala ka nang ibang inisip kundi kayong dalawa lang.
Di inalintana ang “illegal parking” ng kotseng iniwan niyo kahapon sa tabi dahil akala mo kayo lang.
Kayo lang mahalaga.
At wala nang iba pa.
Pero mali ka.
Dahil kabalikat ng “illegal parking” ng kotseng iniwan niyo.
Nandun din yung pagtambay sa maling lugar
At maling tao na akala mo ay tama at iyo.
Akala mo mag didire-diretso kayo at wala nang hintuan.
Yun pala may kailangan syang balikang iba.
Nag “U-turn” siya bigla.
Sa pagliko niya pabalik ay tinamaan ka at nasaktan.
Iniwan kang magisa ng walang pagaalinlangan.
“Hit and Run”
” Pulis! Ambulansya! Tumawag kayo!”
Sigaw ng nasa paligid mo.
Ikaw na gulantang
Bulagta sa kalsada
Gulat sa pangyayari pero piniling umasa.
“Hindi na kailangan. Alam kong babalik siya”
Mga salitang binigkas mo kahit may dugong pumapatak sa kalsada.
Pinilit ngumiti na may pasunod na pekeng tawa.
Mga luhang pumapatak galing sa mga mata.
Ilang minuto ang lumipas pero agaw buhay ka na.
Nakakapit sa patalim ng pag asang babalikan ka niya.
Ngunit mga salita mo ng pag asa kanina ay nahugasan ng dugo at luha ng pait at sakit.
At ang ngiti ng awa ay naging tawa ng galit.
“Balikan mo ako. Halika dito.
Sabay nating salubungin ang rumaragasang poot ng pagibig na hipokrito.
Sabay nating tikman ang tamis ng impyernong babagsakan natin dahil sa pagtataksil mo.
Damahin nating pareho ang lamig ng apoy ng kasinungalinang ipinangako mo.
Halina’t mamatay ka kasama ko.”
Saklolo ay dumating.
Iminulat kang muli sa liwanag at kahalagahan ng buhay.
Sa importansya ng pagbaybay sa trapiko ng buhay.
Minsan talaga ay may aksidenteng di inaasahan.
Magaabang ng sasakyan pero maling tao ang sa iyo ay dadaan.
Iilaw din ang “green light” sayo.
Tuloy lang. Move on.
Mahaba pa ang byahe kaya wag kang tumigil.
Pero wag kang manggigigil.
May “yellow light”
Dahan dahanin mo. Kalmahan mo lang.
At matututunan mong huminto
Tumigil.
Magparaya para sa iba.
Sa “red light”.
Sa bawat kalsada ay may inimplementang “speed limit” na dapat mong sundin.
Wag kang magmadali…
Nakamamatay…
Ikaw din…

Published
Categorized as Poetry
Exit mobile version