Tula Para sa mga Dakila

Ang mga titik na ito ay para sa mga dakila,

Na ang mga buhay ay nakaatay para sa inang bayan.

Upang masigurong ligtas ang mamamayan,

Sakripisyo, dugo at pawis ang kanilang pangunahing sandata.

Ang mga letrang ito ay para sa pagod nyo,

Di man namin masuklian nang salapi, ngunit panalangin

Ang batid naming ipa-abot sa inyo.

Salamat mga dakila, dahil hindi maikakaila ang serbisyo nyo,

Ang bayang kinakatungtungan nyo ay nagbubunyi

Dahil may natatanging kayo.

Ngunit wag kalimutan kung sino ang tunay na Dakila,

Siya ang nasa kalangitan inuukit ang ating kapakanan,

Tayoy patuloy na magdasal, manalig at kumapit ,

Pagkat sa Kanya lamang makakamtan ang tunay na pagasa.

Mahirap intindihin ang kasalukuyan nang mundo,

Ngunit akoy dito sigurado, na may hinaharap pa rin tayo.

Takot ay wag pairalin ngunit pagtutulungan ating pagtibayin,

buong mundo, bawat tao, kasama natin ang Diyos sa gyerang ito.

Oo, Katahimikan ang pansamantalang bumabablot sa

 perlas nang silanganan,

Takot ang namumutawi sa puso nang bawat sambayanan.

Pero ang lahat ay may hangganan,

ang pagsubok na ito ay dali ring matutuldukan.

Sabay sabay nating haharapin ang pagsikat nang araw,

Ang lungkot sa mga labi ay mapapawi at kagalakan ang magwawagi.

Kaya kunting tiis lang kaibigan para sa iyong kapakanan,

Sa pananatili mo sa iyong tahanan at pagsunod sa patakaran

Ikaw ay isa rin sa mga dakila nang ating bayan.

Published
Categorized as Poetry

By John Michael

Let's ink in letters and scribe in papers, our journey and relentless pursuit towards becoming.

Exit mobile version