Umuusad na siya, wag mo ng istorbohin

Umuusad na siya, wag mo ng istorbohin.

#Manupbruh

Kaya na niya ngumiti uli.
Kaya na niya kumain ng hindi ka tinatanong kung kumain ka na din.
Kaya na niya pakinggan uli ang paborito niyong kanta.
Kaya na niya uli manood ng anime at hollywood movies na hind ka kasama.
Kaya na niya tanggalin ang napunding ilaw.
Kaya na niya umuwi ng hindi ka tinatanong kung nakauwi ka na din.
Kaya na niyang hindi ka isipin araw araw kung.. okay ka ba at may problema ka ba.
Kaya na niya din mangarap ng hindi ka kasama.
Kaya na niya mag-isa
At kaya niya na wala ka.

Kaya wag ka ng sumulpot na parang kabute at parang wala nangyari.
Iniwan mo nang agad agad kaya wag ka ring bumalik nang agad agad
Umuusad na siya at wag mo na siyang istorbohin, wag mo na siyang guluhin.
Hindi mo alam kung paano niya hinarap ang proseso para lang makalimutan ka.
Hindi mo alam kung ilang luha ang pumatak para lang ilabas ang umaapaw na sakit sa puso niya.
Hindi mo alam kung paano gumuho ang mundo niya nung araw na sinabi mo na “ayoko na.”
Hindi mo alam kung ilang gabi siyang walang tulog dahil iniisip ka niya nang paulit ulit.
Hindi mo alam kung ano ang pinagdaaanan niya para lang matangap na wala ka na.
Iniwan mo na siya.

Kaya hiling niya sa inyong dalawa ay kaligayahan at ang matanggap mo din na may mga bagay na hindi na kailangang balikan at ilaban.

Salamat sa sakit na mas lalong nagpatibay sa kanya
Salamat sa magagandang alaala.
Salamat sa pagmamahal
Salamat .

-Claydine Llante

Exit mobile version