Wala talagang perpekto sa mundo,
kaya wala ring perpektong relasyon.
Normal lang ang away parang pusa’t aso,
kasama ‘yan sa pagtibay ng pundasyon
ng relasyong inyong ginustong mabuo.
Sa una nga lang magaling, ‘ika nga ng iba
pero ‘di magtatagal, mananawa rin pala.
Parang chewing gum na sa una lang matamis,
habang tumatagal, lalong tumatabang.
Parang bagong timplang kapeng matapang
na kapag pinabayaan ay lalamig at mapapanis.
Ganyan naman talag, hindi laging masaya.
Minsan kailangan din nating magpahinga,
lalo na kung sumosobra na ang kaligayahan.
Masama talaga ang sobra kaya dapat nating easy-han.
Darating talaga sa puntong hiwalayan
kung pareho kayong ‘di marunong magpakumbaba.
Parehong init ng ulo’y ‘di dapat nagsasabayan
lalo na kung ang dahilan ng away ay walang kuwenta.
Basta marunong lang lang kayong magtimpla
ng mga sangkap sa pagluto ng inyong samahan,
asahan niyong pag-iibigan ninyo’y ‘di mawawala.
Hinay-hinay lang, kaibigan, ‘wag padalus-dalos
sa mga desisyong may halong inis at galit.
Lagi niyo lang isama ang Panginoong Diyos
sa inyong relasyon upang ligaya ay makamit.
Garantisadong habambuhay na pagmamahalan
kung pagtitiwala ang laging namamagitan.
Lalo na kung ang isa’t isay may pagbibigayan,
pag-iintindi, pagtitiis at pag-uunawaan.
Kaya easy-han niyo lang mga kaibigan,
‘di rin magtatagal at hahantong din sa kasalan.
Lagi niyo lang tatandaan
na ‘di sapat ang salitang ‘mahal kita’ lang
kung hindi ninyo ito hahaluan
ng mga nasabing kasangkapan
‘tungo sa habambuhay na pagmamahalan.