Wala kaming label. Magkakaroon pa ba?

Label. Ito na siguro ang pinakagamit mong salita sa panahon ngayon. Ito din ang madalas mong tanong dahil gulong-gulo ka na sa kung ano ba ang estado ng relationship nyo ng tanong gusto mo. Bakit kaya ano? Bakit nga ba hirap na hirap syang magbigay ng label sa relationship nyo? Bakit ba sa tuwing tatanungin mo sya kung ano ang label nyong dalawa, eh hindi mo makuha yung sagot na gusto mo? Bakit ba kahit wala kayong label ay gustong-gusto mo pa rin syang kausap at kasama? Bakit ba kahit alam mong malabo eh umaasa ka pa rin na malilinaw din ang lahat?

Hindi pa sya ready sa relationship, sabi nya. O kaya naman, takot daw sya sa commitment. Crap that! That person is not. Hindi man ito applicable sa lahat pero believe me, that person is not defining the relationship kasi may iba syang gusto. Maybe, that person is waiting and still testing the waters with someone else. Kaya bago ka pa tuluyang masira, be brave. Confront. Save yourself before you find yourself hardly getting up from that deep fall. Isipin mo, do you deserve all the vague and unclear intentions? Do you deserve all the sleepless nights? Do you deserve all the unmet expectations? No you don’t.

Pero marupok ka, kaya ayan syempre magrereply ka pa rin.

Exit mobile version