Halos isang taon nadin ang lumipas nung maghiwalay kami. Sa loob ng 7 years marami kaming problemang pinagdaanan, kahit maghiwalay magkakabalikan din. Nag LDR pa kami ng halos 3 years straight dahil nagwork sya abroad, pero paguwi nya kami parin.
Pagkatapos ng kontrata niya bumalik siya ng Pilipinas. Malaki pinagbago niya, actually nagimprove siya. Pero nung nagtrabaho na ulit siya dito sa Pilipinas, napansin ko napapadalas ang laboy niya tuwing Biyernes, itetext mo tatawagan.. hindi niya sinasagot. Dun nako nagstart maghinala ng matindi.. masyadong maraming palusot na di katanggap tanggap. May nakita narin at narinig akong ebidensya.. pero ganon ata talaga “hanggat di naaaktuhan hindi talaga aamin..”
Dahil narin sa naging praning ako, mas matindi ang mga naging away namin. Unti-unti nawalan na kami ng respeto sa isat isa, kahit sa public place sinisigawan niya na ako.. iniiwan ako pero ako tong si kawawa hahabol.
Pero kahit ganon, binalikan ko padin sya.. Mahal ko e.. diko kaya na mawala sya.. kahit pakiramdam ko sobrang basura ko na, ganon katigas ang ulo ko “dati”.. ganon katanga…
Sa relationship namin.. talagang ako ung giver.. ako ung maeffort.. actually parang ako nga ung nanligaw.. ganon ata talaga pag mas mahal mo siya.. kaysa sa mahal ka niya.. happy ako nung una na gawin ang mga bagay para sa kanya.. pero dumating din sa point na nadismaya na ako.. bakit ang one sided ng relationship namin?? Hindi ito ang ideal relationship ko.. diko maramdaman na mahalaga ako..
Tuloy tuloy padin ang pagsisinungaling nya.. hanggang sa nawala na talaga lahat ng tiwala ko.. hanggang sa nagdecide na ako na.. “tama na” at sa wakas nagkaron nadin ng lakas ng loob.. Pagkatapos ng 7 years natapos din!
Hindi sa lahat ng panahon Love ang paiiralin.. oo Mahal mo.. pero ikaw? Gaano ka ba niya kamahal? Kung mahal ka niya talaga pahahalagahan ka.. rerespetuhin ka.. at hindi ka niya lolokohin.. di siya gagawa ng bagay na makakasakit at magpapaiyak sayo…
After ng break up.. pinagdasal ko talaga na sana yung susunod siya na talaga.. at ayoko nanamang pumasok sa relasyon na napakahaba at wala namang magandang patutunguhan..
Pero God is good talaga… di niya na pinatagal.. next month ikakasal na ako sa taong nagmamahal at nagpapahalaga sa akin ng tunay.. yung taong nakita ang worth ko bilang ako.. yung walang ginawa kundi ibigay sakin ang pagmamahal na deserve ko..
kaya wala talaga sa tagal.. nasa tao yan.. wag manghinayang sa tagal. May choice ka, leave the pain, or live with the pain.