Ika-tatlo ng Hunyo
Noong niyakap mo ako
Lumapit at bumulong sa tenga ko
“Wag kang mag-alala, walang mag babago”
Lumipas ang mga araw, hindi ka na natanaw
Paalam ay hindi ko man lang naibitaw
Pero umasa ako sa “walang mag babago”
Sa pag-alis mo, umasa ako kung mag papatuloy ba ito
Lumipas ang nga linggo, naging malamig ang mga mensahe mo
Nagsimula na akong makaramdam na ako’y istorbo
Lumipas ang mga buwan
Araw-araw pa ring umaasa’t nag-aabang
Ngunit ang pag-alis at malalamig na mensahe ay simbulo na pala nang paglisan mo