Walang Titulo

Walang Titulo
By: EDILYN GARCIA ANGELES

“Tayo na ba?”
Ito ang tanong na nais kong sambitin,
Sa mga panahong puso’y tila nabibitin,
Hindi ko kasi alam kung ikaw ay akin,
Sa kadahilanang ikaw’y tila pipi.

Sa panahong hawak mo aking mga kamay,
Mga daliri’y magkahulagpong tila ayaw maghiwalay,
Pero ng tinanong ka ng tropa mong tulo-laway,
Ang sagot mo’y,
“Siya? Siya’y kaibigan lamang. “

Kasama mo ako nung ikaw’y durog,
Nung iniwan ka ng ex mong malikot,
Sinamahan kita sa trip mong pang sabog,
Pero ang napala ko’y isang libong kirot.

Hindi ko alam kung magpapatuloy pa ba,
Sa katangahang ako din naman ang may pakana,
Aatras na ba o aabante pa?
Kahit alam ko namang sa umpisa pa lang ay talo na.

Sa panahon kasi na sobrang saya,
Sa loob ng isipa’y may pagdududa,
Hanggang kailan kaya ako sa’yo una,
Kung sa puso mo,  isa lamang akong reserba. 

“Tama na” dikta ng utak
Pero “Sige pa”,  puso ang may putak
Kahit hilong talilong pilit tinutulak
Sa isang banging walang nakatitiyak.

Exit mobile version