Pagod ka na ba ? Sa lahat ng sakit at pagtitiis na ginagawa mo ngayon ?
Pagod ka na ba unawain lahat ng bagay na kahit sarili mo hindi mo na tinanong kung okay ka pa ba ?
Pagod ka na ba manghingi ng atensyon sa taong halos kahit pipikit pikit ka na pinipilit mo pa rin dumilat masilayan lamang sya?
Pagod ka na ba sa pagpigil ng luha mo na unti unting kumakawala sa mga mata mo ?
Be honest ang hirap mapagod kasi alam mong mas mahirap kapag sumuko ka panandalian sa matagal mong iningatan.
Iningatang relasyon, Binunong atensyon, kali kaliwang balde ng luha at mga pagtitiis na kay tagal mong naranasan.
Ang hirap din naman sumuko kung halos buong buhay at oras mo nilaan mo sa bawat hirap na pinag daanan mo.
PERO mas mahirap kapag bigla mong naramdaman yung SOBRANG PAGOD sa bawat pag intindi ng sitwasyon mo.
Kailan mo maiisipan na pahalagahan yung sarili mo ?
Hindi ka si superman o wonder woman para ialay mo lahat lahat pati sarili mong kaligayan at hindi mo na matamasa.
Kahit SUPER HERO may kapaguran at kahinaan.
Huwag mong antayin na pati katawan mo maapektuhan, ISIP, PUSO at PISIKAL NA PANGANGATAWAN.
NAKAKABALIW! oo sobrang nakakabaliw. pero saludo ako sa sobrang strong mo!
Kinakaya mo lahat ng sakit, depression at anxiety na nararamdaman mo.
Kailangan mo rin magpahinga para sa susunod na laban may lakas ka. Hindi ka BATO para walang maramdaman.
Hindi ka rin naman MANHID sadyang marunong ka lang magtiis sa lahat ng sakit na pinagdadaanan mo.
Mahirap sumugal sa sitwasyon na walang kasiguraduhan. Hindi naman lahat dapat ipinaglalaban.
Hindi din naman kasi lahat KAYA KANG IPAGLABAN. Tama na yung balde baldeng luha at halos mapuno mo na yung isang OLYMPIC POOL sa gabi gabing pag luha mo.
ISIPIN MO NAMAN YUNG SARILI MO.!!
Hindi mo deserve yung nararamdaman mo. Hindi mo deserve na ikaw lang lumalaban.
LAHAT NG PAGHIHIRAP MO MAY KAPALIT. Nandyan si God para gabayan ka at hindi ka nya pababayaan.
Darating yung araw na tatawanan mo na lang lahat. Darating yung araw na mas papahalagahan mo yung sarili mo.
Hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon ikaw at ikaw yung magsasakripisyo.
Magpahinga ka habang meron ka pang pagkakataon. Ituon mo yung sarili mo sa mga bagay na makabuluhan.
Ituon mo yung sarili mo sa mga taong nandyan sa tabi mo. Ituon mo yung sarili mo sa mismong ikaw para maramdaman mo yung sarap sa pakiramdaman ng buhay ka sa mundong ibabaw.
Palayain mo yung sakit at pakiramdam ng pagkabigo palitan mo ng masasayang memorya kasama ng tao sa paligid mo.
Alisin ng galit, puot at pagtitimpi sa bawat sitwasyon na pinagdaanan mo.
Kausapin mo si Lord para magpasalamat dahil buhay ka pa hanggang ngayon.
Pakawalan mo ang lahat ng nagpapagulo sayo. Magsimula ka at alalahanin yung masayahing ikaw.
Kamustahin mo yung sarili mo. Kausapin mo si Lord at magpasalamat sa lahat ng pagkakataon.