7 Reasons Why It’s Completely Okay Na Hindi Ka Crush Ng Crush Mo

 

1. Make self-improvement a priority

Update mo daw yung wardrobe or make up skills mo. Upgrade your mental, technical, and social skills. Ayusin o baguhin mo daw muna ang bad attitude mo. Tanggalin na daw ang bad habits sa sistema at palitan ng something na nakaka-add ng value sa ibang tao bukod sa sarili.

 

2. Wag ka daw desperada o papansin

Hayaan mong mapansin nya ang panlabas at panloob mong kagandahan sa natural na proseso. Di ka raw aso na dapat maghabol. Idk if it’s accurate but guys like the chase. Ayaw naman ng girls ng stalker o yung namamakod (lalo at crush pa lang naman.) Wag ka raw easy to get or easy to manipulate. Keep it cool or classy parin, okay?

 

3. Umamin ka na raw

Wag sobrang pakipot kasi malay mo trip ka din nya pero di nya lang masabi. For guys, wag torpe kasi pano mo malalaman kung di mo susubukan? May mga taong sa sobrang manhid, kailangan mo talagang maging vocal sa kanila, I mean kahit sobrang obvious mo na. Malay mo ganun ang crush mo at naghihintayan lang pala kayo (sana nga ee noh?) Be brave and speak out. Tamang timing lang, tas maraming effort at lakas ng loob.

 

4. First things first

Baka hindi pa tamang panahon para lumablayp ka. Focus on God muna. Spend more time with your fam and friends bukod sa sarili. Mag-aral nang mabuti kung estudyante. Work harder and be mentally, emotionally, financially, and spiritually ready kung nagtatrabaho na. Malay mo, sa sipag, sikap, at tyaga ka mapansin ng crush mo.

 

5. Don’t rush yourself

May mga bagay na hindi dapat minamadali. May mga bagay na hindi dapat pinapangunahan. Kung para sayo, para sayo talaga. Wag masyadong atat. May tamang panahon ang lahat. Kumalma ka at magdasal muna. Ipagdasal mo yung mga pangarap mo bukod sa crush mo and make yourself busy. Malay mo, challenge lang to sayo for you to develop your patience and emotional maturity.

 

6. Wag mo ipilit ang sarili mo

Kung nagawa mo na lahat pero di ka parin pinapansin o direct-to-the-point nang sinabi na ayaw sayo, wag mo na ipilit ang sarili mo. Irespeto mo ang kagustuhan nya. Ganun talaga. Hindi lahat ng gusto natin, mapapasatin. Hindi porket gusto mo sya e required nang magustuhan ka rin nya. Matuto kang lumugar at irespeto rin ang sarili mo. May limitasyon ang pagiging tanga o desperada. Baka hindi lang talaga sya ang tamang tao for you.

 

7. Explore your options

Masakit mareject… pero mas mahirap magpakatanga sa iisang tao lamang (for a very long time.) Whatever your age is… marami ka pang makikilalang tao sa buhay mo. Open yourself to other people. Mingle. Meet new friends. Hindi porket hindi ka nya gusto ee wala nang magkakagusto sayo. Focus your time and energy building yourself, pursuing your dreams, and helping other people. There’s more to life than your crush. Utang na loob, wag mong gawing mundo ang tao lang.

 

***

 

Written by: Rah Imperial

To God be all the glory.

Exit mobile version