Akyat, Panaog

Ako’y isang nilalang na mkakalimutin
Nakalimutang sumaya, tumawa
Dala ng mga sakit sa gitna ng magulong mundo
Sa mga rehas ng bakal at kongkretong gusali
Tila nawala ang pagkakilanlan sa sarili

“Tara sama ka!”
Yan ang mga wikang kanilang sinambit..
Upang kami ay lumayo at humayo
Para makalimot sa mga problemang naidulot

Sa pagdating sa lugar
Hindi alam kung san magsisimula
Naibulong na lamang sa hangin
Bhala na kung anong mangyari
Ang dasal lamang ay makita muli ang sarili

Walong oras
Yan ang bilang na ginugol upang maakyat
Isang bundok na tila ayaw magpaakyat
Pagod..uhaw..gustong sumigaw
Pagod..uhaw..saan nga ba
Sa paglalakad sa mabatong daan
O sa pusong nasaktan na tila wala ng maramdaman.

Ilang beses huminto at nagpahinga
Nagtawanan at nagkwentuhan
kasama ang mga bagong kaibigan
Gumagawa ng mga bagong ala ala
Na dadalhin hanggan sa makababa
Pero paulit ulit na tanong
Matatapos na ba? Matatapos pa ba?
Malapit na ba?

Ngunit sa pagakyat kong ito
Tila napagtanto
Ang buhay kong ito
Madalas ay parang bundok na aking itinayo
Mahirap..masakit..masaya..
humihinto kapag napapagod na.

Nagkaroon ng mga bagong kakilalang magiging parte ng bagong yugto
Winiwika sa mga dasal
Malapit na ba?
Kelan makakamtan ang mga hiling na nasambit ng pusong napagod na.

Akyat..panaog
Matarik..mabato..
Akyat..panaog..
At ayan na ang rurok ng bundok
Isang bata ang nakasama,
Oh kay sarap maging bata, simple ang mga pangarap
Marahil ang bundok na aming inakyat
Ay minsan nia ng naiguhit
Gamit ang papel at lapis..
O sa mumurahin niang isip
Humanga ako sa lakas ng kanyang loob
Tapang..susuungin saan man maglakbay
Pisikal niang katawan
O ang kainosentehan ng kanyang isip
Naihiling na sanay lahat na lang ng sandali ay ganuon
Ngunit hindi na ako bata
Akoy isa ng manlulupig
Na nakayanan hindi lamang ang umakyat
Ngunit ang muling isilang
Sa ganda ng tanawin na tanging ang may Likha lamang nito ang may gawa

Ganon pala,
Ganon pala ang pakiramdam
Kapag napasailalim sa iyong mga paa ang bundok
Na tanging sa icp at guhit mo lamang nakikita
Ganon pala ang pakiramdam kapag napasailalim sa itim ng iyong mga mata
Ang dagat na nakikita mo lamang sa mapa
Nakakapangilabot..nakakatuwa
Hindi makuntina ang damdaming gustong umiyak,
Sumigaw.
Hindi dahil sa pagod na naramdaman ng pusong nasaktan..
O ni ng katawang nahapo
Kundi dahil naramdaman ang yakap ng may Likha ng lahat ng ito..
Narinig ang tinig na nagsasabing…
“Mahal kita..Minamahal at mamahalin kita..bubuuin hanggan maging isang ganap na mandirigma..
Ipaglalaban hanggang sa ikaw mismo ay matutong lumaban
Hindi para makasakit..ngunit para ikaw mismo ang magparamdam..
kung panu magmahal..at lumaban..
Ikaw ang aking prinsesa na kailanman ay hindi ko pababayaan..”

 

 

Exit mobile version