“A Letter To The Woman Whom I Prayed For”

“I wonder what God was thinking when He created you”

          Hi, Kamusta ka na? Nakita kita kaninang umiiyak habang umaawit ka. Maaga akong nagising kanina just to catched with the worship schedule, (siyempre para narin sa’yo,hehehe). Ako ‘yung taong laging nakatingin sa’yo sa malayo. Nasa harapan ka bilang mang-aawit at ako naman bilang mananamba. I saw you cried siguro because of all those uncertainties sa buhay mo and I felt sorry kasi wala man lang akong magawa or even have the courage na lapitan ka para patahanin. The only thing lang na magagawa ko sa’yo everyday is to recommend you on all of my prayers na ingatan ka niya saan ka man naroroon o papunta. ‘Yun ang pinakamalapit kong link at distansiya sa’yo. ‘Yun ang pinaka-kaya kong iparamdam at gawin sa’yo sa mga oras na kailangan mo ako.

 

          I wonder kung saan ako banda ipinadala ng Diyos sa buhay mo. Hindi ko rin alam kung saang parte ng journey mo maaabutan kita. Sana, ay ‘yung sa oras na pwede ka at pwede ako. Sana, ay ‘yung sa lugar na hindi tayo maiilang sa isa’t-isa. Hindi ko alam kung saang banda tayo pagtatagpuin ng Diyos. Pero sigurado ako na ipinadala ako sa’yo para patawanin ka. Ipinadala ako sa’yo para pagaanin ‘yang buhay mo. Not necessarily ngayon. Siguro sa pagdatig ng perfect timing at tamang pagkakataon. Don’t worry, hindi ako isang “prize” na napanalunan mo sa lahat ng contest sa buhay mo. Hindi ako isang “trophy” na proof ng recognition mo sa lahat ng achievements mo eversince. You’re a strong and independent woman and you don’t need a man to be a ladder of your success. I’m considering myself as a “reward” diyan sa buhay mo. Mayabang man at brusko ang dating nito sa’yo. Pero promise, I’m a “reward” na galing sa taas because you stayed strong sa lahat ng failures despite you have so many options para sumuko. Masyado akong advance mag-isip kaya ngayon pa lang magpapasalamat na ako. Salamat at nanatili kang matibay at malakas para sa akin.

 

          Pero ‘wag kang mag-expect na mala-hollywood persona ang arrival ko sa buhay mo. Hindi ako kasing-gwapo ni “Brad Pitt” na bigla na lang kakatok sa pintuan ng bahay niyo. Hmmm, medyo babaan mo nang kunti ang expectations mo. Hindi rin ako kasing-sexy at yummy ng “Sexiest Man Alive” na si George Clooney” na pagbubuksan ka ng pinto pag pumara ka ng taxi. Hmmm, medyo babaan mo pa ng kunti ang expectations mo. Nasa pagitan ako ng “level” ni “Pirates of the Caribbean Star,” “Johnny Deep” at “Superman Icon,” “Henry Cavill.” Hahaha, pero please ‘wag ka na lang siguro mag-expect ng sobra-sobra sa arrival ko. Hmmm…, ‘Yan, tama ‘yang naiisip mo ngayon. Tama yang level na naiisip ng utak mo habang binabasa mo ‘to. Nasa level ako na kung saan isa akong taong nananalangin para sa’yo. As your “Superman,” at kung ‘di mo pa alam, ilang beses na kitang iniligtas sa pamamagitan ng prayers ko sa’yo ‘nung mga times na nakalimutan mong tumawag sa taas dahil gulong-gulo ka na sa buhay mo.

 

          Kunti lang ang sense of humor na meron ako, ‘di katulad ni “Empoy.” Pero may sense ako kausap at sigurado akong mapapangiti kita sa mga banat ko. ‘Di ako kasing-galing ng mga “Italian Chef” magluto pero marunong akong magwalis ng bakuran at alam ko ang lahat ng gawaing bahay na maiisip mo. Magaling din ako kumanta. Sa katunayan, naging 3 time barangay defending champion ako. Name your “Genre” at sigurado may panagot ako sa’yo. May talent naman ako sa pagsusulat kahit papaano. You want proof? Isipin mo na lang ngayon ang binabasa mo. Ilang Segundo lang kitang tiningnan kanina, naka-ilang page na kaagad ako ng love letter para sa’yo.

 

          Hindi ako mayabang at ayaw kitang yabangan. Pero paanu mo naman ako makikilala at mapapansin kung mukha ko lang ang ibabalandra ko sa harap mo pag nagkasalubong na tayo? Ini-introduce ko lang ang sarili ko para kahit papaanu may clue ka about sa akin. Hindi ako biniyayaan ng kagwapuhan tulad ni “Papa P.” Pero I’ll make sure na nag-aral ako nang mabuti simula ‘nung “Kindergarten” hanggang makapagtapos ako ng “College.” Hinanda ko talaga ng mabuti ang sarili ko para pag tinanong ka ng mga kaibigan mo na, “Gwapo ba siya?” may isasagot kang, “Matalino siya.” Hahaha…, Nag-aral talaga ako ng mabuti para sa’yo. Pinaghandaan ko talaga ang pagdating ko sa buhay mo. Sa katunayan, consistent honor student ako ‘nung elementary(1st honor ang pinaka-mataas at 2nd honor ang pinaka-mababa). 3rd honor naman ang pinaka-mataas at 5th honor naman ang pinaka-mababa ‘nung highschool naman ako. “Dean’s Lister” din ako ‘nung college. I also worked with the best companies in the Philippines (Telus, DSWD, IBM, PLDT, PDIC). Baka sabihin mo na niyayabangan kita o napaka-yabang ko. Pero I’m dead serious about all this things. Tamaan man ako ng kidlat pero hindi ako nagsisinungaling. ‘Wag kang mag-alala, I’ll bring all the proofs and evidences with me ng mga achievements ko pag dumating na ‘yung pagkakataon na pagtagpuin tayo.

 

          Pero more than anything, higit pa sa lahat ng mga nababasa mo sa love letter ko ngayon para sa’yo. These will be all the contents of my “Resume” pag nag-apply na ako ng posisyon sa buhay mo. Hindi na ako maghahanap ng “Employer,” I’ll be patiently waiting na may mababakanteng posisyon diyan sa puso mo. Kahit gaanu pa yan katagal. Hindi pa naman kita nami-meet in person, pero excited na ako. On my 31 years of my existence dito sa mundo, I’m willing to spend another 31 years na kasama ka naman. I prayed for you my entire life. I endured every life’s failures para umabot ako kung saan ka banda sa buhay mo ngayon. Pinaghandaan ko ang pagdating ko sa buhay mo. I prepared myself just and only for you at patuloy akong nagsusumikap hanggang ngayon bilang paghahanda. Hindi man ako pasok sa “Standard” mo. Hindi man ako makapasa sa “Quality Control” na si-net mo. Pero panigurado akong makakapasa at may maisasagot ako pag tinanong mo ako about “Economy, Stock Market, at Investments, etc…” Ang gusto ko lang naman sabihin, I Invested on my knowledge para lang mabuhay kita rather than pakiligin ka lang. I prayed for you everyday. Yes, at mananalangin ako sa taas hanggang sa pagtagpuin tayo.

 

“Natatawa ako habang sinusulat ko ‘to. Pero kung gusto mo talagang patunayan. Pakasalan mo ako pag nagharap na tayo para legal at notaryado.”

 

“When God made You, He must have been thinking about Me”

 

Yours truly,

The man you also praying to…

 

Park En Stack Er

Photo by: Me

Lyrics from: When God made you

 

 

 

Exit mobile version