Akala ko Ako Lang, Ako pala ang Iba Nya

Self worth, yan lage ang kadalasang pinapayo ng mga kaibigan. Tinatawag na marupok. Marupok sa kadahilanang sa bawat sabi niya ng “Sorry”,tila ang puso mo ay natutunaw. Mahal mo eh. Hindi iniisip kung parehas kayo ng pagmamahal na ibinibigay, ang importante mahal mo siya at gustong ibigay ang pwedeng maibigay. Ganun naman diba kapag mahal mo ang isang tao, binibigay mo lahat dahil ang pagpapahalaga mo sa kanya ay para bang pagpapahalaga sa sarili.

Lumipas ang panahon, lalo mo siyang minamahal kahit mga bagay na halos hindi katanggap tanggap ay pinipilit na tinatanggap. Kasi nga mahal mo. Ngunit dumating sa punto na tinanong mo ang sarili, hanggang kelan ang pagtanggap? Hanggang kelan pagbibigyan? Hanggang kelan mamahalin?

Dahil nais mo siyang mahalin ng walang alinlangan, ginagawa mo siyang mundo. Gusto mo halos bawat oras kausap mo siya. Kapag hindi siya nagreresponse sa mga text o message at tawag mo, ang dami na umiikot sa utak mo. May iba na ba siya? Sinong kasama sya? Nagiging paranoid ka, nagiging possessive ka. Pero magugulat ka na lang, isang araw malalaman mo, hindi ka pala ang original– ikaw pala ang iba niya.

Exit mobile version